MADELINE’s POV: Pagpasok sa bahay ko ng aming bahay, katahimikan ang sumalubong sa akin. Wala na ang mainit na yakap ng aking mga magulang. Wala ang nakakatuwang pang-aasar ng Tatay. Wala na ang Pamimilit ni nanay na mag boyfriend o mag aasawa na ako. Wala na sila. Hindi ko naman mapigilan ang luha sa mga mata. Pinasadahan ng aking kamay ang bawat muwebles na madadaanan. Malinis ulit iyon, wala na ang mga telon na tela na nakasabit sa dingding. Maayos na rin ang aming sala gaya ng dating ayos. Napatingin ako sa silid kung saan nabaril ang inay habang natutulog. Dinala ako ng aking mga pa doon. Malinis at bagong palit na rin ang kobre kama noon. Napaupo ako sa kama nila. Pinasadahan ko iyon. “Tay, Nay, bakit ang sakit, sakit po? Hindi ko po ata kaya, pakiramdam ko mag-isa na lang ako?” Ra

