THE PAST… THE CONTINUATION… ROMULO’s POV Nagmamadali akong bumalik sa isla matapos kung matanggap ang resulta ng laboratory results ni Kristina mula kay Dra. Bermudez, isang tauhan ko sa organization. An ally I could rely on. Matapos niyang inabot ang sulat ni Kristina na humihingi ng tulong galit na galit ako. Hindi siya maaaring mawala sa akin kung hindi mababaliw ako and worse my personalities come out. She was my anchor. Despite her coldness she is the one woman who can tame the monster in me. I need her. Buhat-buhat ko siya palabas ng bahay, malalaki ang mga hakbang ko papuntang helipad. Para dalhin siya sa hospital. Thinking about losing her makes me insane. Her pale face was obvious. Her lips were dry. Her water broke with blood in it. Takot na takot ako sa ideyang mawawala siya

