EMBERLYNN’s POV: Gusto kong bangasan ng mukha ang Darius na iyon pero hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa lalaking nagligtas sa akin. Mukhang magaling siyang makipaglaban. Hindi siya Filipino, or hinuha ko half Italian ito. Iba rin ang kulay ng kanyang mga mata. Kaedaran lang din siguro siya ni Darius. Speaking of Darius bigla na lang siyang nawala. Palinga-linga akong para hanapin siya. Nasaan si Carina? “She escapes?” Komento ng lalaki, nabasa niya ang nasa isip. Nakaupo pa rin ako. Sinuri ko ang aking pulsuhan, malalim sugat at namamaga na. Parang nawalan ako ng lakas. Puro pasa siguro ang mukha ko. Dinig ko ang mga yabag papalapit sa amin. “Nasaan si Darius Toledo.” Simpleng tanong ko sa lalaking iyon. Lalong lumapad ang ngisi niya. “You call your dad Darius Toledo? No dad or p

