"Angelie?" I knocked on her room door softly. Dito agad ako dumiretso matapos ako i-dismiss ni Madam M. She never came out of her room. Pinapadalhan na lang siya ng pagkain in case na magutom siya. Iniiwanan nila ito sa harapan ng kwarto niya tapos ay babalikan na lang nila ang plato at baso. They didn't force her to come out or even scare her. Kasi alam nila na ako ang makakalaban nila. "Angelie, baby. Open the door. Si Ate ito. I brought your bear," sabi ko at pinisil ang hawak kong teddy bear. Narinig ko naman ang pag-unlock ng pintuan kaya napangiti na rin ako. Pinasok ko ang kwarto ni Angelie at nakita ko siya sa kanyang higaan na nakaupo at nakatalikod sa akin. Tinabihan ko siya at niyakap ko siya sa likuran. "Ayos ka lang ba, Angelie? Hindi ka ba nila sinaktan o ano?" tanong ko.

