I was fixing the weapons inside the storage room when my cellphone vibrated in my pocket. Wala sa isip ko itong kinuha mula sa bulsa habang binibilang ang mga pistols na nakahilata sa harapan ko. Tapos ay otomatiko ko nang na-receive ang tawag. "Hello?" I answered, my eyes still focused on the weapons. Then my eyes darted to the paper I was holding in my other hand. Ipinatong ko ang papel sa isang lamesa at isinulat doon ang numero ng nabilang ko. "Ven! It's me!" sabi ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Pero nakatuon pa rin ang pansin ko sa susunod ko namang bibilangin na mga b***l. "Huh?" sabi ko habang binibilang naman kung ilan ang nakahilatang revolver sa sumunod na lamesa. "Si Trey 'to!" sabi niya sa kabilang linya. "Ano?" wala sa sariling sabi ko. "Heaven! Focus! Si Trey 't

