CMSHOES 24.2 Kung malaman niya lang na ang nag-iisang anak niyang lalaki ay hindi straight, for sure ay maghihimutok ‘to sa galit. Kung ano ang kinaganda nang designs niya, ‘yon rin kinapangit ng ugali. Marami pang nagsalita at ang dalawa ay sweet na sweet sa gitna. Napailing nalang ako at tumayo mula sa kinauupuan ko, “Cr lang ako” paalam ko sa mga kuya ko. Hindi ko na sila pinasagot pa at mabilis na tumayo. Kanina pa ako inom ng inom, pakiramdam ko ay sasabog na ang pantog ko sa suot kong fitted na bandang puson na umiipit. “I told you, I love you!” sigaw nang babae sa hindi kalayuan papasok sa loob nang banyo. “Sarah, please” sagot sa kanya nang kausap niya. Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa boses na ‘yon. Lumapit ako sa kanilang dalawa at nanatiling nakatago, gusto k

