CMSHOES 23.2 “Baby, kapatid ko si Argen” pakilala ni Ate Loaf kay Argen. Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni kuya Ice. Nang mapansin niya na nakatingin sa kanya si ate Loaf ay agad din ‘tong ngumiti. “Nice meeting you, bayaw” sabi ni kuya nang natatawa. Napailing nalang ako. Masyadong halata si kuya Ice. Siguro ay nahirapan siya makuha si Ate Loaf para sa panliligaw para umasta siyang takot na magalit si Ate. “Nice meeting you too” matigas na sabi ni Argen bago ako nilinga. “So, ikaw pala.” Seryoso na sabi ni kuya Fudge na animo’y sinusuri si Argen. Napakagat ako nang labi. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari, pero hindi sila pwedeng magkagulo dito. Mas lalo na’t nandito si mama at papa na nasa kusina lang! “Yes” sagot ni Argen na walang takot sa pananalita niya. “Nice meetin

