CMSHOES 15 “Talaga? I love you,” nakangiti kong sabi bago tuluyan na pinatay ang cellphone ko. Tumingin ako sa mga kaharap ko. nakanganga sila’t hindi makapaniwala sa mga nangyari. Kahit sino naman ‘di ba? Kahit ako ay hindi makapaniwala na may instant boyfriend ako. “Seryoso ka na dyan?” nag-aalinlangan na tanong ni Minda habang nakangiwi. Tumango ako. Hindi na kailangan pang mag-alinlangan kung si Frances na ang usapan. “Parang nang nakaraang araw lang, umiiyak ka nang dahil kay Argen. Sabay ngayon may ka-I love you-han na agad?” manghang sabi naman ni Pepsi at iiling-iling. “Oo nga, gano’n mob a kabilis palitan at maka-move on kay Argen? Walang three months rule- three months rule?” at ako naman ang umiling. “20** na mga sis, hindi na uso ‘yan. Basta meron kang ipapalit, palitan

