CMSHOES 13.1 Mabilis ang t***k nang puso ko, habang ang mga sasakyan na sinasakyan ko ay naipit sa mahabang traffic. Magpapasko na’t ang mga tao ay may kanya-kanya nang mga lakad, ang iba ay excited na sa bonus na makukuha nila sa trabaho. At akong isang college student, gusto ko nang makabawi sa mga dinaanan kong puyat. Gusto ko na magpahinga. “Manong matagal pa ba tayo?” hindi ko makaling tanong. “Medyo malayo pa po maam,” sabi niya habang nakatingin sa’kin mula sa isang side mirror. Tumango ako’t napabuntong hininga. Maaga pa naman sa oras nang kitaan namin, masyado akong excited na Makita siya at masabi ang nararamdaman ko. Hindi ko na ‘to kayang kimkimin pa. Pag-uwi namin kagabi ay naisipan ko s’yang tawagan. At laking pasasalamat ko ng sumagot siya sa tawag ko, walang paligoy

