A-akala ko… akala ko, kasama ko na si Hebrew. Niyakap niya ang sarili nang maramdaman na binabalot ng lamig ang kanyang katawan. Kahit kapalan pa niya ang kumot ay tagos pa rin ang lamig sa kanyang puso. Batid niyang ang makalulusaw lang nito ay walang iba kundi ang asawa. Panaginip lang pala. Sumulyap siya sa orasan. Alas-singko na ng umaga. Noong nasa Canyunez, gising naman na siya sa ganitong oras. Kaya ngayon, hindi na siya bumalik sa higaan. Umisip siya ng maaaring gawin upang libangin ang sarili. Doon niya naalala ang manuscript na ilang linggo na palang nananahimik sa drawer. Muling tumimo sa kanyang isipan ang palaging sinasabi ni Hebrew sa kanya. Na ipinagmamalaki siya nito at batid nitong magtatagumpay siya sa pagsusulat. Iyon lang naman ang nagtutulak sa kanya at nagpapal

