Kabanata 26

1527 Words

"Kain lang kayo, Manong Celso. Marami pang sinangag sa kawali," pag-aaya ni Mauve sa matanda. "Huwag po kayong mahihiya, Manong Tonio. Kayo din po Kuya Godo at Tatang Sinong," aniya doon sa tatlong matanda na nakaupo sa tapat niya. "Naku, talagang hindi ako mahihiya," wika ni Tatang Sinong na ngumunguya pa. Dumampot siya ng isa pang pritong tilapia mula sa malaking plato sa gitna. "Aba'y halos dalawang oras ang ibinayahe natin. Nakakagutom iyon!" "Tama ka," pagsang-ayon ni Kuya Godo sabay kagat sa kamatis na may prito gamit ang kamay. "Ako nga'y nagkape lang kanina. Mabuti na lang at maraming pagkain dito. Kung hindi, baka hindi na ako nagtagal at nahimatay na ako dahil sa hilo." "Aba'y mag-iwan naman kayo na kaunting hiya sa katawan." Nakasimangot na umiiling si Manong Celso. Kakalagay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD