Ilang sandali na umalingawngaw sa isipan ni Mauve ang tinuran ni Hebrew. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil apektado ang dibdib niya rito. Halos magkabuhol-buhol ang pagpintig ng kanyang puso. At kahit basa ang kanyang balat ay dama niya ang pagtindig ng mga balahibo niya. "Sinasabi mo 'yan dahil wala pa sigurong babae ang nakikipaghiwalay sa 'yo," she gritted. Bago pa siya bumigay sa mga salita ng binata ay kailangan niyang magmatigas. Ang problema ay hindi niya batid kung gaano pa katatag ang haligi na pinanghaharang niya sa pagitan nilang dalawa. "Iwanan mo na lang ako rito. Bumaba ka na at bumalik na sa bahay. O mas mabuting bumalik ka na sa Maynila." Mabilis siyang tumalikod. Ngunit hindi pa nga nakahahakbang ay nakabig na siya ni Hebrew sa baywang. "Hindi mo ako maiiwasan,

