Kabanata 13

1861 Words

Batid ni Mauve na ang susunod na umaga'y hindi katulad noong mga nakaraan. Dati-rati'y ang gumigising sa kanya ay ang haplos ng malamig na hangin at huni ng mga ibong may pugad sa sanga na nakadikit sa kanyang bintana. Ngunit ngayo ay nag-iba na. At alam niyang malaki ang magiging pagbabago sa kanyang buhay simula nang tanggapin niya ang puso ng binata. Naroon pa rin ang sariwang simoy ng hangin, ngunit ang bumubuga sa pisngi niya ngayon ay ang mainit at preskong hininga ni Hebrew. At ang bumubulong sa kanyang tainga ay ang malambing at mababang boses ng binata. "Good morning, Mauve. Gising na." Kahit nakapikit pa ang kanyang mga mata ay napangiti siya. Tila gusto pa niyang mamalagi sa higaan dahil ayaw niyang gumising sa napakagandang panaginip. Gayunman, batid niyang hindi panaginip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD