“Are you ready?” “Oo naman.” May kasamang ngiti ang itinugon ni Mauve sa kasintahan. “Then let’s go inside. Ipapakilala kita sa pamilya ko.” Hebrew took her hand companionly. “S-sandali lang…” Hebrew paused. “What’s wrong?” Hinaplos niya ang mukha ng kasintahan. “Hey, are you alright? Gusto mo ba, bukas na lang tayo tumuloy?” “Naku, hindi, ah! Hindi na nga tayo nakapunta kahapon tapos uurong na naman.” Mariing umiling si Mauve. Natawa siya na may halong pagkanerbiyos. “Gusto ko lang namang itanong kung okay lang ang suot ko. Baka kasi magkamali ako sa pagbigay ng impresyon sa kanila.” Pinahapyawan ng tingin ni Hebrew ang dalaga at tumaas ang kanyang mga kilay. The woman was wearing a copper colored casual dress. Bagay na bagay ang kulay nito sa morenang dalaga. “Are you kidding me? Y

