The tears escaping from Hebrew stung his face like acid as he watched Mauve rush through the door. Ang isang ubod tamis na gabi ay biglang naging kasing-pait ng apdo. Gusto niya pa sanang magpaliwanag kanina ngunit hindi na siya nito pinaniniwalaan. Kung bakit ba kasi sa tuwing tatangkain niyang burahin ang numero ng makulit niyang ex, nagkakataon namang hindi natutuloy dahil biglang sisingitan ang kanyang isipan ng maraming bagay. His mind was preoccupied with work, with his sister-in-law's, and now Mauve. Kaya walang puwang si Ivy, na kanyang ex, sa masalimuot niyang utak. Hindi lubos maisip ni Hebrew kung paano nito nasira ang lahat nang walang kahirap-hirap. "Hebrew Khan? Is that you?" Hebrew tried to move, ignoring the male voice calling him by whole name. Lumingon lamang siya nan

