Tila nakikipag-unahan sa oras kung patakbuhin ni Jim ang Fortuner. Maaaring may katandaan na siya ngunit kung pagmamaneho ang usapan ay hindi matatawaran ang kanyang kakayahan. Isa pa'y gamay na niya ang sasakyang ito ni Hebrew dahil simula nang makasama ang binata ay ito na ang minamaneho niya. Habang binabagtas nito ang lubak-lubak na daan palabas ng San Agustin, nasa likuran sina Hebrew at at Selina. Nakasandal sa binata ang ulo ng hipag habang mahigpit na nakakapit sa kamay nito. "Kaunting tiis pa, Selina. Malapit na tayong makarating sa ospital," bulong ni Hebrew. He was wiping the sweat dotting on Selina's forehead. Halos sumabog ang dibdib niya sa pag-aalala at kaba habang pinagmamasdan ang naghihirap na kalagayan ng hipag. Kung maaari lang na akuin niya ang nararamdaman nitong s

