Freda POV Hindi ako makapaniwalang nag-proposed ng marriage sa akin si Seth ngayon. Ni minsan hindi ko naisip o na-imagine na yayayain niya akong magpakasal. Para sa akin sapat na ang mga panahon na kasama ko siya. Hindi ko napigilan ang mga luha ko at kusa na itong sumungaw sa mga mata ko. I'm happy and shocked at the same time. Hindi ko alam paano gampanan ang pagiging asawa nito dahil simula't sapol si Seth ang laging nagsisilbi sa akin na dapat ay gawain ko. Pero wala itong hindi ipinakita sa akin o ipinaramdam kundi ang pag-aalaga nito sa akin at ang pagmamahal nito. "Yes. " Masaya kong sagot, tumatango pa ako kahit alam kong walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ako magiging tao. "Yes? Yes... ! " Bulalas ni Seth saka masayang isinuot ang diamond ring sa daliri ko. It fits

