Freda POV "Oh s**t!" Napamura ako ng biglang umapoy ang kawali. I am in the kitchen right now trying my best to cook. It's been four months since our marriage at ngayon lang ako sumubok magluto ulit. First,muntikan ko ng sunugin ang kusina namin buti nalang agad na naagapan ni Seth at ngayon mukhang doon na naman papunta. "SETH!" Malakas kong tili rito, nasa taas ito busy sa isang silid, inaayos nito para gawing nursery room. Masyado itong excited na magkaroon kami ng anak. "What it is baby-Oh damn!" Palatak nito ng makita ang umaapoy na kawali. Agad nitong kinuha ang washcloth , binasa nito at itinakip sa umaapoy na kawali,buti nalang humupa ang apoy. Bumuntong-hininga ito. Naluluha akong binalingan si Seth. "I'm sorry." Naiiyak kong sabi rito saka umalis sa kusina at nagtungo sa sala

