"ATE Ammir, malungkot ka na naman?"
Biglang napalingon si Ammira sa likuran niya nang may magsalita. Nakita niya si Cindy sa bintana na nakahalukipkip.
"Ang saya-saya niyo kanina ni Kuya Gyven tapos ngayon malungkot ka? Nakakalito ka minsan," dagdag pa nito saka umakyat sa bintana at nilapitan siya.
Napangiti si Ammira saka tumingala sa langit pagkatapos ay humiga. Ginaya rin ni Cindy ang ginawa niya.
"Ewan ko nga sa sarili ko, Cindy," matamlay niyang sabi saka niyakap ang sarili nang umihip ang malamig na simoy ng hangin.
"Alam mo Ate Ammir, ang galing mo pong magkunwaring masaya sa harap ng iba. Pero kapag ikaw lang ang mag-isa, malungkot ka pala talaga. Lagi kitang nakikita na malungkot kapag nag-iisa ka. Buti na lang talaga maganda ka," seryusong sabi ni Cindy habang abala rin ang mga mata sa pagtitig sa mga bituin sa langit.
Napangiti si Ammira sa sinabi ni Cindy.
"Ang hugot mo naman. At paano naman napunta ang ganda ko sa usapan natin?"
"S'yempre kung malungkot ka tapos pangit ka pa," she tsked. "Ibang usapan na iyon. Buti na lang talaga maganda ka."
Hindi na mapigilan ni Ammira na mapabungisngis sa sinabi ni Cindy. Luko-luko talaga itong batang 'to.
"Ang dami mong alam 'no?" natatawa pa rin niyang sabi. Sinundot pa niya sa tagiliran si Cindy kaya nakiliti ito dahilan ng paghalakhak nito.
"Narinig ko lang rin ang mga iyan kay lola, marami kasi nanghihingi ng payo sa kaniya. Para siyang Capitan sa lugar na ito, magaling siyang magpayo," anito ng may ngiti sa labi habang nakatingin kay Ammira.
"Best in Memorization ka pala talaga," natatawang puri niya rito.
"Ate 'di ba dapat masaya ka? Kasi mayaman ka, nabibili mo ang lahat. Kahit na wala ka mang nobyo ay may pera ka naman. P'wede kang pumunta kahit saan mo gusto basta masaya. Akala ko dati hindi nalulungkot ang mga mayayaman."
Bumaling siya kay Cindy saka tumagilid at inunan ang braao niya. Ginaya rin siya ni Cindy at ngayon magkaharap sila habang nakangiga.
"Cindy, oo minsan pera ang dahilan ng saya ng isang tao. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon pasasayahin ka ng pera. Hindi lahat ng bagay nabibili ng pera. May saya na hindi nabibili ng pera."
"Pero sabi ni Aling Dessa mas masaya kapag may pera," anito na nag-aabot pa ang kilay. Parang matanda talaga itong si Cindy minsan.
Natawa na naman siya sa sagot nito saka naiiling.
"Ikaw talaga kung saan-saan na napupunta itong pinag-uusapan natin. Ima-maretis mo na naman sina Aling Dessa... Pero siguro pera ang nagpapasaya sa kaniya. Pero alam mo ba kung ano ang talaga ang tunay na nagpapasaya sa isang nilalang dito sa lupa? Lalo na sa mga malulungkot na tao?"
Umiling si Cindy. Hinaplos ni Ammira ang pisngi ni Cindy saka siya ngumiti rito.
"Pag-ibig. Lagi mong tandaan 'yan. Dahil 'yan ang tunay na nagpapasaya sa isang tao. Iyong puno ng pag-ibig ang nakapaligid sa kaniya. Iyong tipong lahat ng tao na nakapaligid sa 'yo ay mahal ka at iniingatan ka. Inalagaan ka at iniiwasang masaktan ka."
"Hindi ka po ba mahal ng mga taong nanakit sa 'yo?"
"Hindi ko alam. O baka iba lang ang depinisyon ng pag-ibig para sa kanila."
"Alam mo po ate Ammir, nahahawa po ako kapag nalulungkot ka. Nalulungkot rin po ako," she said while pouting her lips.
"Bakit naman?"
"Kasi pakiramdam ko po hindi ka masaya sa amin. Mahal naman kita Ate, mahal ka rin ni Lola at ni Kuya Gyven."
Natigilan si Ammira sa huling pangalang binanggit ni Cindy. Parang gusto niyang matawa. Kaya naman hinila niya si Cindy saka niyakap.
"Cindy, naman. Huwag ka ngang ganiyan. Masaya ako sa inyo, masaya ako dahil nakilala ko kayo at mabait kayong lahat sa akin "
"Sana po, makalimutan niyo na po ang dahilan ng lungkot niyo. Para totoo na masaya ka."
Kumalas siya bahagya sa pagkakayakap kay Cindy at hinarap ito.
"Hayaan mo, Cindy, pangako simula ngayon hinding-hindi mo na ako makikitang malungkot. Promise 'yan," may sensiridad na saad niya.
"Talaga? Promise to God?" puno ng excitement na sabi nito.
"Oo, cross my heart. Mamatay pa lahat ng bangkay."
Nagtawanan silang dalawa saka muling nagyakapan. Masaya na nga ang pakiramdam ni Ammira. Dahil may nagpapasaya sa kaniya at nagmamahal sa kaniya ngayon. Hindi na siya nag-iisa.
"Alam mo, Cindy, totoo na talaga itong saya na nararamdaman ko ngayon. Kasi narealize ko na kung hindi ako napadpad sa lugar na ito ay wala akong kasama. Wala akong mapagsasabihan at baka kinamatay ko na ang sobrang lungkot. Kaya salamat talaga dahil tinuring niyo akong pamilya. Hindi tulad ng pamilya ko na tinuring akong iba," mahabang pahayag niya.
Sandaling nanaig ang katahimikan nilang dalawa. Hanggang sa binasag iyon ni Cindy.
"Ate, kain na tayo. Nakalimutan ko pala na pinapatawag ka pala ni lola para kumain kaya ako nandito."
Napabalikwas naman ng bangon si Ammira.
"Ano?! Halika na. Kanina pa tayo dito makukurot tayo ni lola, e. Ikaw talaga," aniya saka aligagang tumayo at bumaba na mula sa bobong. Nakasunod naman si Cindy sa kaniya.
Patakbo silang bumaba sa kusina. Napahinto pa silang dalawa nang maabutan nga nila si Lola Lia na mukhang nag-uusok na ang ilong sa inis. Nakatayo ito sa may lababo at nakahalukipkip habang matiim ang titig sa kanila.
Mabigat ang mga hakbang nitong lumapit sa kanila saka piningot ang taenga nila pahatid sa upuan ng mga ito.
Sabay pa silang napapaaray sa ginawa ni Lola Lia.
"Kanina pa ako naghihintay. Lumalamig na ang pagkain!" Sermon ng matanda.
Nagkatinginan naman sina Ammira at Cindy saka animo sinisisi ang isa't-isa gamit ang mga mata nilang panay pinapalaki.
"Kumain na kayo!"
"Opo," sabay na sagot ng dalawa.
Ayaw kasi ni Lola Lia na may nahuhuli sa pagkain o may nauuna. Dapat sabay silang lahat.
MATAPOS kumain ay tinulungan ni Ammira si Lola Lia na magligpit ng mga plato. Habang si Cindy nagpupunas sa mesa.
"Lola, ako na po ang maghuhugas ng pinggan," buluntaryo ni Ammira nang masigurong wala nang pinggan sa mesa.
"Hindi, ako na. Pagod ka buong araw. Kaya ko na ito. Kunti lang naman."
"Sigurado ka po? Hindi pa naman ako pagod."
"Kumusta ang puso mo?"
Nagulat si Ammira sa pag-iiba ng usapan ni Lola Lia.
"Po?"
"Huwag mo nang paglaanan ng oras para isipin ang taong winasak ka."
Mas lalo lang siyang nagulat sa sumunod na sinabi nito.
"Paano niyo nalaman?"
"Matanda na ako, Ammira. Marami na akong karanasan sa buhay pag-ibig. Kaya alam ko at nababasa ko bawat kilos mo. Ngumingiti ka nga pero malungkot ang mga mata mo," sabi nito nang sinimulang hugasan ang pinggan.
Hindi nakapagsalita si Ammira.
"Kahit gaano pa katagal ang relasyon ninyo, kung hindi ka na mahal, magiging walang saysay ang lahat. 'Wag mong gawing sukatan ang tagal ng pagmamahalan para kumapit ka. Dahil kung hindi siya para sa 'yo, hindi talaga siya karapat-dapat sa 'yo. Ayos lang umiyak ka dahil masakit naman talaga iyon. Pero hindi ibig sabihin lunurin mo sa kalungkutan ang sarili mo. Lagi mong isipin na nasasaktan ka para ilayo ka sa maling tao. Kaya huwag mong isara ang puso mo, nang sa gano'n ay mahanap mo ang taong deserve mo at deserve ka. Darating din ang panahong iyan, kaya magtiyaga kang maghintay. Ang lungkot ay ngayon lang iyan, darating ang panahon na pagsisisihan mong sinayang mo ang luha mo sa maling tao."
Ammira was so stunned, dahil sa mahabang speech ni lola Lia. She is a real adviser. No wonder, kung bakit gano'n rin si Cindy, dahil tama ito tungkol sa lola niya.
"O-opo lola. Salamat po, tatandaan ko po ang payo niyo," pagkasabing iyon ay niyakap niya ang matanda.
Ngayon mas lalo lang niyang naramdaman ang halaga niya sa mga taong narito. Na kahit stranghero siya ay mahalaga siya sa mga ito. She's blessed.
KINABUKASAN ay maagang nagising si Ammira dahil nagmasa na agad siya ng dough para sa tinapay na ibibinta niya. Gagawa siya ng pandesal, ensaymada at doughnut. Kunti lang naman ang ibe-bake niya dahil unang araw pa naman.
Eksaktong paggising ng maglola ay nakasalang na sa oven ang dough.
Naghanda na rin siya ng almusal para sa kanila.
"Hmmm, ate, amoy tinapay," masayang saad ni Cindy.
"Nagluto ka na?" tanong ni lola.
"Opo, lola. Dapat nga po naglako na ako ng mga 5pm. Kaso ang hirap mag-isa sa pagmamasa. Pero ayos lang rin, sigurado naman akong mauubos rin po ito."
"Sigurado ako, diyan," sang-ayon ng matanda.
"Kain na po, tayo."
Kumain na sila. Pagkatapos nilang kumain ay naluto na rin ang tinapay. Nagkasundo sila ni Cindy kagabi na sasamahan siya sa paglalako. At iyon nga ang ginawa nito.
Pagsapit nang alas utso ng umaga ay sinimulan na nilang isa-isahin ang kabahayan ng buong Village. Namangha nga ang mga tao dahil madali na lang silang makakabili ng tinapay.
Wala pang isang oras ay ubos agad ang tinapay nila. Hindi pa nila nalilibot lahat.
Nagpasya na silang umuwi. At muling nagluto para sa panghapong meryenda. Sa pagkakataong iyon ay dinamihan na ni Ammira ang pagluluto. Gaya nang nauna ay mabilis ring naubos ang paninda nila.
Nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa pangatlong araw. At hindi na nila kailangang maglako dahil maaga pa lang nag-aabang na ang mga tao sa labas ng bahay nila.
Sobrang saya ni Ammira. Kahit na nagkaka muscle cramps na siya dahil padami ng padami ang minamasa niya at mano-mano lang ang ginagawa niya. Hanggang sa naging isang linggo ring abala si Ammira. Kaya naglaan siya ng isang araw para ipahinga ang katawan niya.
Pero nagluto pa rin siya. Dahil lahat ng magsasaka ay nasa farm ng araw na iyon. May mga stocks ng abuno at semilya ang dumating. Ipagluluto niya ang mga ito, pasasalamat na rin niya sa kabaitan ng mga ito. Naging malapit na rin kaai siya sa nga ito dahil sa pagtitinda niya.
Kunti lang naman ang niluto niya, pero sakto na iyon para sa lahat. At alam naman niyang may baon ang iba dahil marami ang binili nila kahapon ng malaman ng mga ito na hindi siya magtitinda ngayon.
Matapos maluto ay naglakad na siya papuntang Farm. Siyang lang mag-isa, habang bit-bit ang dalawang basket ng tinapay. Si Cindy kasi at nando'n din sa farm kasama si Lola. Buti at alam na niya ang daan kaya hindi siya naliligaw.
"Magandang umaga aa inyong lahat!" Bati niya sa lahat ng taong nagkukumpulan sa isang malaking kubo.
Sabay naman na napalingon ang kahat sa Kaniya
"Ammira," sambit ni Aling Moneth.
"Oh, ano 'yang bitbit mo mukhang mabigat," sabat naman ni Mang Carding na asawa ni Rosette.
"Tinapay mo para sa inyo. Libre po ito," nakangiting saad niya.
"Oh, mga kasama! Tulungan ito si Ammira may pameryenda siya para sa atin!" sigaw ni Mang Juancho.
"Sigurado ako ang masarap na tinapay niya iyan," may excite naman na saad ni Princess Arlene pinakabatang magsasaka roon. May asawa na rin ito.
Agad naman na kinuha ng mga kalalakihan ang dala niya. Sigurado naman siyang may kape ang mga ito kaya hindi siya nagdala ng pantulak.
Hinanap ng mga mata niya si Cindy at si Lola Lia. Pero hindi niya makita
"Halika, Ammira. Umupo ka dito," anang Aling Dessa na kumakaway pa sa kaniya.
Tumungo siya sa tabi nito at umupo sa loob ng kubo.
"Tawagin niyo si Señorito para matikpan ang tinapay ni Ammira. Pati na rin ang maglola."
Mabilis na napatingin si Ammira sa nagsalita. Mabilis ring kumabog ang puso niya kasabay ng panlalamig ng kamay niya.
"N-nandito si Gyven?" naisatinig niya.
"Oo, kararating lang rin," sagot ni Rossette kaya napalingon siya rito.
Napalunok pa siya saka ngumiti. Kung gano'n bumalik na siya.
May nabuong excitement sa puso ni Ammira. Sabik siyang makita si Gyven kaya nag-abang siya at nagpalinga-linga para makita si Gyven.
"Nandito na si Señorito!" sigaw ng isang lalaki.
Agad na binigyang daan ng mga ito ang paparating kaya malaya niyang nakikita ang unti-unting paglabas ni Gyven mula sa likuran ng mga taong naroon.
Animo bumagal ang ikot ng mundo ng tuluyang nakita ni Ammira ang pigura ni Gyven. Dumiretso pa ang tingin nito sa kaniya na animo alam nito na doon siya nakaupo. Their eyes meet and locked for a moment. Ramdam ni Ammira ang puso niyang gustong lumuwa sa kinalalagyan niyon dahil sa lakas ng t***k niyon. May animo paru-paru ring nagwawala sa tiyan dahil sa pag-aalburoto.
O God! How much she missed this man. Damn, real!
Halos matunaw sa init ang puso ni Ammira ng ngumiti ito sa kaniya ng pagkatamis-tamis.
Gusto niya yatang lumipad sa harap nito at yakapin ito.
"Miss me?" pilyong sabi nito.
Parang gusto niyang mahimatay sa nakakamatay na tingin nito. Napapakagat labi pa siya para pigilan ang sutil na labi dahil gustong ngumiti.
"Ammira, namumula ka. May lagnat ka ba?" bulalas ni Princess Arlene.
"H-huh?" Lumingon pa siya kay Princess. Saka hinaplos ang sariling pisngi.
Doon lang siya nagising sa pagpapantasya niya.
"Mukhang may namamagitan sa inyo ni Señorito, Ammira. May puso ang mata mo habang tinitingnan si Señorito," anang Aling Moneth.
Mas lalo lang tuloy nag-init ang mukha ni Ammira dahil sa kantiyaw ng mga ito.
"Halika, Señorito dito ka sa inupuan ko sa tabi ni Ammira," paanyaya ni Aling Dessa.
Para na talagang mahihimatay si Ammira dahil sa puso niyang sinisipa na ng kabayo.
Kantiyawan at hiyawan ng mga tao ang lumukob sa buong farm nang tinabihan nga siya ni Gyven.
Napaigtad si Ammira ng dumikit ang braso niya sa braso ng binata. Tila napapaso kasi siya na may dalang kuryente. Parang gusto na rin niyang mangisay.
"Ammira, para ka namang ten ager, niyan. First time mo?"... sabat ng KJ na bahagi ng utak niya.
"Pinagpapawisan ka, Ammira," sabi ni Gyven saka dumukot ng panyo at pinahid sa noo ni Ammira.
Napaigtad pa si Ammira at hindi na nakagalaw dahil sa ginawa ni Gyven.
"Masyado ba akong hot?" panunundyong dagdag nito.
Muli na namang nagkantiyawan ang mga tao.
"Bagay na bagay kayo!" tili ni Avia na anak ni Aling Moneth na dalaga na rin.
Sinubukan ni Ammira na labanan ang sarili at buong lakas ng loob na hinarap at sinaway si Gyver.
"Ikaw, kararating mo lang pinaglalaruan mo na ako. Pinagpapawisan lang ako dahil kararating ko lang rin at mabigat ang dala ko," kunwa'y sabi niya saka hinablot ang panyo ni Gyven at siya na ang nagpunas sa sarili.
Ang bango ng panyo. Amoy Gyven… anang malanding bahagi ng utak niya.
"Hindi ako marunong maglaro, Ammira," anito in a horse voice.
Argh! Sh*t! Is he seducing her?
Napatingin si Ammira rito, nanlaki pa ang mga mata niya ng malapit lang pala sa mukha niya ang mukha ni Gyven.
Naghiyawan na naman ang mga tao sa paligid.
Sa sobrang kilig na nararamdaman ni Ammira gusto na lang niyang maging upuan…
Itutuloy…