Beautiful Weena's POV HINDI KO ALAM kung ano'ng dapat na nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil nakasuot ako ngayon ng isang pambabaeng damit. Ito pala ang sinasabi nilang punishment sa mga kalalakihang nahuhuli nila. Karamihan sa mga lalaking kasama ko'y mga maskulado at namumutok ang mga muscles sa suot na sexy outfits. Nagmukha tuloy silang mga Incredible Hulk kaya't hindi ko napigilang tumawa sa kanilang mga itsura kaya't napatingin sila sa 'kin. Agad naman akong hinatak ng isang stylist pero halatang estudyante rito sa Celestina Academy. "Wow! Ang ganda mo naman! Partida at wala pang inilalagay na make-up sa mukha mo. By the way, I'm Lala, your stylist!" bulalas ni Lala at bahagyang inayos ang salamin. Pinaupo na nito ako sa isang upuan at agad akong nilagyan ng make-up sa mukha.

