Awkward Weena's POV BUMABA na kaming dalawa sa sasakyan ni Seven at medyo ilag ako sa kaniya. Hindi ko rin naman kasi inakalang mahilig siyang manghalik nang tulog. Kinikilabutan ako sa tuwing naiisip ko ang nangyari sa pagitan namin. 'Weena, dalawa na ang nakakatikim sa 'yo. Masyadong mahaba na ang buhok mo at dapat na talagang putulin,' singit ng aking Inner Goddess. Napanguso na lang ako. Dalawang lalaki na ang nakakahalik sa 'kin pero iba pa rin ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Kennedy. Iba ang kaniyang epekto sa 'kin. Daig ko pa ang nag-ta-taste test kung sino sa kanilang dalawa ang masarap pero wala naman akong ginagawa sa totoo lang. Ano bang mayro'n sa 'kin at ginagawa nila ito? 'Mesherep ka ba? Aba! Feel na feel mo naman. Wala lang silang choice at pinagtitiyagaan k

