I'm scared Weena's POV NAPAKAGAT ako sa 'king labi habang iniisip ang katanungang bumabagabag sa isipan ko. Hindi kasi mahahalata na bakla sila lalo na't lalaking-lalaki ang kanilang mga kilos. Looks could be really deceived. Napakamot na lang ako sa 'king ulo dahil sa stress. Muli kong tinignan ang Book of Sin na nasa harapan ko at kinuha 'yon. Inisa-isa ko ang bawat pahina at pinagmasdan nang maiigi ang mga lalaking nando'n at masasabi ko talagang walang bakas na isang barbie. "Sino kaya ang nakita ko kanina? Clue naman, oh!" asik ko at itinumba ko ang aking sarili pahiga sa kama. Tumalbog naman ang ulo ko at katawan sa malambot na katre kaya't hindi ako nasaktan. Napatitig ako sa kisame at napabuntonghinga. Mukhang mahirap pala ito at talagang nakakatuyo ng dugo sa utak pati na rin

