“I was expecting the father but he sent a daughter instead.”
Just like that, napukaw ng malamig at pormal na boses ng lalaking nakaupo sa dulo ng mesa ang pagtataka at kaba na nararamdaman sa ngayon. How in the world did she end up meeting this man again? Sa ganitong paraan pa.
He motioned for her to sit down. Parang kailangan na nga niyang maupo dahil pakiramdam niya ay nangangatog sa kaba ang mga tuhod niya. Kanina, habang nasa sasakyan, pinraktis niya ang mga sasabihin oras na makaharaop niya ang dapat ay ka-meeting ng daddy niya. Ngauong nakita at nalaman niya na ang lalaking ito pala, parang nakalimutan na niya lahat ng mga dapat sabihin.
Confused, she helped herself sit opposite the mysterious man. Komportable ang upuan, tama lang ang lambot sa pang-upo niya, but right now, wala siyang madamang comfort mula sa malambot at sigurado siyang mamahaling upuan. Kahit ang buga ng aircon ay tila hindi niya maramdaman.Bakit ba kasi kapag kaharap niya ang misteryosong lalaking ito, parang nawiwindang ang sistema niya? She was even nervously tapping her polished fingernails on the the table. Kinuyom niya ang mga kamay at sinikap na huwag gumawa ng involuntary movements.
Bumukas ang pintuang pinasukan at muling pumanhik si Mr. castro. May bitbit itong mga papeles at inilagay sa harapan ng kaharap na hanggang ngayon ay wala pa ring kakurap-kurap na nakatitig sa direksyon niya.
“Would you like some coffee, Miss Samonte?”
Ano ba itong si Mr. Castro ng lalaki, sekretarya o business manager ng Amity?
“No, thank you, but I appreciate the offer.”
Inayos niya ang pagkakaupo. She wanted so much to cross her legs to make her look dignified pero bakit kahit iyon ay tila nahihirapan siyang gawin knowing na nasa kanya ang mga titig ng lalaking nakaupo sa kabisera na parang pagmamay-ari ang mundo.
“I believe these are supposed to be ours.”
Ang kopya ng business proposal ang tinutukoy ni Mr. Castro.
“Yeah, yes, Sir.”
Kinuha ni Mr. Castro ang dalawa sa apat na kopyang dala niya at ibinigay sa boss ang isa at binitbit naman ang isa pa.
“I’ll be outside, Sir.”
Sir. Ano ba ang lalaking ito ni Mr. Castro? Parang iba kasi ang trato nito. Halong may respeto at takot kahit wala namang sinabi o ginawa ang lalaki maliban sa pananahimik. Even in silence, this man exuded authority.
Narinig niya ang mga yabag ni Mr. Castro papalayo. Maiiwan siyang kasama ang msteryosong lalaki sa loob ng malaking conference room na ito. And then, she was left alone with the presence of this mysterious man. Ewan pero pakiramdam niya ay lumiliit ang silid para sa kanya. Mas domoble ang kaba niya lalo na nang matuklasang nakatitig pa rin sa kanya ang lalaki. Nanunuot ang mga titig nito sa buong kalamnan niya. Kung yelo siya, baka natunaw na siya sa paraan ng pagtitig nito. Hindi niya maunawaan ang sarili.
“What are you here for?”
Dapat ngang may sabihin na siya. Siya ang may kailangan at hindi niya dapat inaaksaya ang panahon ng lalaki. Clearing her throat and squaring her shoulders, she aimed to cross her legs and project a dignified presence in front of him. Pero kahit anong gawin niya, iba na ang tingin nito sa kanya.
Bakit ba kasi nanghihigop ng confidence ang lalaking ito? But no matter what, kailangan niyang masimulan ang pakay. Tumuwid siya ng upo at ipinatong ang mga kamay sa ibaba ng mesa. She was trying project a business-like aura.
“I am here to represent my father, Sir.”
Wala man lang bang balak na magpakilala o makipagkamay ng lalaking ito sa kanya?
Binuksan niya ang proposal na hawak at nakahanda na sanang i-discuss ang nilalaman niyon pero hindi pa man naibubuka ang bibig, may paunang tanong na kaagad ang kaharap.
“Tell me one good reason that I shall continue to invest in your business.”
This man was hitting a difficult question, hindi pa man siya nakapag-warm up.
“Our farm and our business still have a huge potential, Sir.”
The man smirked, showing a mocking smile that hinted at his disapproval. May hint of disapproval sa mga mata nito. It was a sparkle of arrogance.
“Potential, huh?” He leaned back in the swivel chair, his body taking a relaxed and sloping posture. Pagkatapos ay tinukod nito sa baba ang isang kamao. “Your farm is almost reduced to ashes. How on earth could ypu possibly repay your debt?”
Pakiramdam niya, may namumuong bara sa lalamunan niya. Nevertheless, kailangan niyang ilaban ito. Hindi siya nagpunta rito para lang mangatog ang mga binti at ma-intimidate sa lalaki.
“I am confident that Hacenda Helenita could bounce back, along with the milling and refinery.”
Ang tatag ng pagkakasabi niya pero sa totoo lang, kahit siya hindi kumbinsido sa sinabi. Nalulugi sila. Naalala niya ang mga trabahador na nagrereklamo na. May naririnig-rinig na rin siyang balak na pag-aaklas mula sa mga ito, napapakiusapan lang ni Mang Felipe. So, she wouldn’t go home empty-handed.
Tiningnan niya ang lalaki.
Walang mababakas na anumang emosyon sa gwapong kaharap. His long fingers were flipping the pages of one of the documents he had. His quiet stares made her feel more and more uneasy. She had never been so affected by any man before. Sa lalaking ito pa lang.
Nakahinga siya ng kaunti nang ilipat nito sa mga papeles ang paningin.
“Banco de Grandia, PSB Bank, AMX Development Bank.” Nag-angat ito ng mukha at muling tumitig sa sa kanya. “Hacienda Helenita had obligations to these banks, and Amity was generous enough to pay off those debts by granting your father a buyout loan.”
Ngayon niya lang nalaman na ganoon na pala katindi ang pinagdaanan ng hacienda.
“Granting you another loan is a huge risk, Miss Samonte.” Isinarado ng lalaki ang binabasa. “Amity is a business enitity and I don’t see any reason that I shall continue to be dealing with another failing business.”
Dapat na bang lumundo ang pag-asa niya? No! She could still do better. Pwede pa niya itong makumbinse.
“Makakapagbayad kami. I still have a paying job in modelling. Makakatulong ‘yon sa amin.”
Her desperation was remarkable. Pati bagay na wala namang kinalaman sa pakay ay nasasabi niya.
But then again, he saw that mocking smile on his face. ‘Yon bang umaangat lang ang sulok ng bibig. “Modelling.” Napatangu-tango ito. He then opened another file. ‘Yong dala ni Mr. Castro kani-kanina lang. “Four months in arrow with only one employment. It’s good to none,” he added nonchalantly.
Para siyang sinampal ng doble sa mukha. Mas lalo siyang nanliit sa sinabi nito. Ano pa ba ang alam nito sa kanya, sa kanila? Kailanman, hindi pa siya nakaramdam ng panliliit sa trabaho niya, ngayon lang. Na para bang sinasabi nitong walang kwenta ang karera niya. Ang dad niya, ni hindi siya sinaway kahit minsan. Ang lalaking ito pa talaga.
“Amity has the authority to seize your business at any moment, but we have been quite lenient with you.”
Too lenient na nagkapatong-patong na ang interes ng mga utang nila.
God. Habang lumilipas ang mga sandal, paliit naman nang paliit ang pag-asa niya. She felt helpless. She was almost breaking down in front of this man and beg him to just have a heart for them. But the man pushed the proposal aside. Isinarado nito ang binuksang butones ng suit jacket nito at tumayo.
No! Nangangamba siyang tinatapos na ng lalaki ang usapang ito. Hindi siya maaaring umuwi na walang dalang magandang balita para sa dad niya. Bago pa man makahakbang ang lalaki paalis sa kinaroroonan, ang bilis ng mga kilos niya na humarang sa posible nitong daraanan. Nalaglag pa nga ang isa sa mga files na dala niya.
“Sir…”
Napilitang huminto ang lalaki. He was now towering over her. Lumipat ang tingin nito sa kamay niya na direkta na palang nakahawak sa braso nito. By the looks of it, para bang ang dumi ng kamay niya na dumantay rito. Maagap niya iyong inilayo at tuwid na tumingala rito.
“I am begging you to grant us this loan, and I promise that we'll work hard to pay off our obligations."She wasn’t used to begging, but for her father, she would gladly to do it.
Sa loob ng ilang sandali, walang anumang reaksyong mababasa sa matitiim nitong mga mata. She didn’t dare averted her gazes. Gusto niyang ipakita sa lalaking ito kung gaano siya ka-sinsero sa mga sinabi niya. Amity is their only remaining hope. Kahit imposible, umaasa siyang pagbibigyan pa rin sila. Sana lang, may puso ang lalaking ito. Hindi pwedeng mawala ang hacienda, hindi sila magsasara kagaya nang nangyari sa isa sa pinakamalaki at pinakamatandang refinery sa Nasugbu, Batangas.
“How far are you willing to go for your farm?”
Kung saan man patungo ang tanong nito, mabilis niya kaagad na sinagot. “Kaya kung gawin lahat.”
“Lahat-lahat?”
Nanunukat ang mga titig ng lalaki.
“Yes,” walang kagatol-gatol niyang sagot.
Hinintay niya ang isasagot nito. She was clutching the edge of the table as she waited for his reply. Kakayanin niya ang anuman ang kundisyon.
“Be with me.”
Napintahan ng kunot ang noo niya.
“Be my companion.”
Mas lalo siyang naguluhan.
“C-companion? How?”
Magtatarabaho ba siya rito? Kayang-kaya niyang gawin. Sasamahan niya ito sa mga importanteng event, willing siyang gawin.
The man sat back on his chair. In all confidence, pinag-abot nito ang dalawang mga palad at pinagbunggo ang dulo ng bawat mga daliri habang nakatingala sa kanya. Pakiwari niya, sinusukat nito ang pagkatao niya. Hanggang sa namutawi sa bibig nito ang pangungusap na ni hindi niya naiisip na sabihin nito.
“Be my comfort woman, Miss Samonte, and I might reconsider everything.”