[5] Everything is Unconnected

1789 Words
SA TAGAL NIYANG NAKAUPO ROON, KAHIT PAPAANO NAMAN AY MAY NAG-ABOT NA SA KANIYA KAHIT NA BARYA. Hindi niya alam kung magkano na iyon, nakailang balik na rin siya sa karinderya, ngunit ang tanging sinabi lamang ng tindera ay hindi pa rin sapat ang kaniyang pera. Hanggang ngayon ay itinataboy pa rin siya nang batang lalaki, pero tingin niya naman ay hindi dapat. Mas marami kasi ang nagbibigay sa batang ito kaysa sa kaniya. Kanina nga ay may nagtanong pa sa kaniya kung talagang pulubi siya, dahil mukha naman daw siyang malinis. “Ano ang pangalan mo?” Inosente niyang nilapitan ang bata. Isang masamang tingin ang ibinigay nito sa kaniya, ang atensiyon ay nasa panlilimos pa rin. “Nasaan ang mga magulang mo?” tanong niya. Ang alam niya, lahat ng tao ay mayroon mga magulang. Kung ganoon, bakit nag-iisa ang batang ito? Hindi ba’t obligasyon ng mga magulang ang kanilang mga anak? “Sino ka ba sa tingin mo para magtanong?” Kanina pang pagalit ang boses nito, pero hanggang ngayon ay nabibigla pa rin siya. Hindi naman siya sanay sa ganitong klaseng pakikitungo, dahil ang mga anghel sa langit ay malumanay kung magsalita. “Ako si Faith.” Ngumiti siya, nilagay ang palad sa dibdib. Taas-kilay siyang tinignan ng bata, nagtataka sa inasal niya. “Tingin mo may pakialam ako?” ika nito. “Sigurado ka bang hindi ka baliw? Maganda ka pa naman, mas maganda nga lang ako.” Sinuklay nito ang buhok. Ngayon niya lang napansin na malambot ang kilos ng batang lalaking ito. “Maganda ka nga,” ika niya. “at maganda ka rin kapag ngumingiti?” patanong niyang sinabi para alamin pa rin ang pangalan nito. “Echosera ‘to.” Naroon man ang taray, nararamdamang niya pa rin namang kahit papaano ay gumagaan na ang pagsasalita nito sa kaniya. “Lindon ang pangalan ko, pero mas gusto ko na Lili na lang at kung ayaw mong matarayan, ‘yung ikalawa ang itawag mo sa akin.” Natawa siya. “Oh, sige. Lili!” Nahinto ang paningin nito sa nakalahad niyang palad. “Ayoko.” Kaagad na nagkasalubong ang kilay niya. “Bakit?” “Hindi mo ba nakikita? Malinis ka.” Pinakita nito ang palad sa kaniya. “at madumi ang kamay ko. Ang tanda mo na, parang wala kang alam sa ganito. Nakakaloka, Peyt.” Umawang ang kaniyang labi. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon at anong masama makipagkamay kung malinis ang isang tao at marumi ang isa? Nakita niya kung paanong natigilan si Lili sa panlilimos nang makitang naguguluhan siya. “Alam mo naman siguro kung gaano kababa ang tingin ng mga mayayaman at may kaya sa aming mga pulubi? Sa madaling salita, wala kaming sariling bahay, walang maayos na damit, walang pera at madumi. Kahit na nalilimos ka ngayon, hindi pa rin ako maniniwalang pulubi ka. Tignan mo nga, ni hindi ka marunong manlimos.” Sinipat niya ang kaniyang sarili. “Hindi nga…” Hindi naman talaga siya isang pulubi dahil isa siyang anghel. “Pero kagaya mo rin ako na walang matutuluyan, walang pera at nagugutom.” Nagkibit-balikat na lang si Lili sa kaniya. “Teka, nandito na ‘yung pogi!” Sinundan niya nang paningin si Lily na pinupuntahan na ang pumaradang motor sa tapat ng karinderya. Pumasok ang lalaking iyon doon na nakasuot pa rin ng helmet. Hindi niya alam, ngunit kakaiba rin ang nararamdaman niya. Sinundan niya si Lili at kagaya nito ay huminto rin sa tapat ng bulwagan ng karinderya para tignan ang lalaki na umupo na sa bakanteng lamesa at upuan, marahil ay kakain. “Madalas ‘yan dito.” Kunot-noo niya lang na tinignan ang lalaking iyon. “Masungit, pero nag-aabot naman ng tirang pagkain at pera.” “Talaga?” ika niya. “pero… ano ba ang pogi?” Talagang hindi na maipinta ang mukha ni Lili nang tignan siya. “Alam mo, Peyt? Daig mo pa ang taong kahapon lang pinanganak. Kaloka talaga! Ang pogi, magandang lalaki!” Tinuro pa ni Lili ang mukha nito. Nakanguso siyang tumango nang maintindihan ang ibig sabihin niyon. Mukhang madami siyang kailangang malaman habang narito siya sa lupa. “Sebastian?” Gulat niyang tinuro ang lalaking pinapanood nila na tinanggal ang suot nitong helmet kaya niya ito nakilala. “Magkakilala kayo?” gulat namang tanong ni Lili. Alanganin siyang umiling. Kilala niya ito, pero si Sebastian ay hindi naman siya kilala. Kaagad siyang hinila pabalik ni Lili nang magtangka siyang pumasok. “Nahihibang ka na ba? Baka ipapulis ka niyan kapag sumulpot ka na lang bigla sa harap niya! Hindi naman pala kayo magkakilala.” “Pero…” pero ito na ang tiyansa niya para masundan si Sebastian. Hindi puwedeng mawala ulit ito sa paningin niya. “may mahalaga akong sasabihin sa kaniya.” “Kung gusto mo kausapin, e ‘di hintayin na lang nating matapos kumain!” Nagliwanag ang mukha niya nang dumapo ang paningin sa kaniya ni Sebastian. Kahit nakakunot ang noo nito nang magtama ang paningin nila ay kumaway pa rin siya rito. LUMITAW ANG NAKAKALOKONG NGISI SA MUKHA NI MALIK NANG MAKITA SI CAMILA. Camila is one of those hot chicks in engineering department. Now he’s thinking of hooking-up with her. Mukha namang hindi ito ang tipo nang babae na tatanggi sa kaniya. Sabagay, may tumanggi na nga ba sa kaniya? He got it all, the wealth, the face and the body. “Mukhang may bago na namang mabibiktima ang babaero.” Nang lingunin niya ang kaniyang tagiliran, naroon na pala si Gio. Magkakrus ang brasong nakasandal sa lockers kung saan din siya nakasandal. Today is the first day of class. Hindi ba dapat ay may klase ang mga archi students kagaya ni Gio? “Ganda ‘no? Bukas, girlfriend ko na ‘yan,” he said. Napailing na lang si Gio sa kaniya. “Hindi mo pa rin ba nakikita sa campus si Seb?” Awtomatikong nagsalubong ang kaniyang kilay. “Hindi ba siya pumasok?” Nginiwian siya ni Gio. “Oo nga, Malik, ‘di ba? Kaya nga po tinatanong kita.” He tilted his head. Bakit naman hindi pa um-attend sa first day of class si Sebastian? Sabagay, wasted na wasted ito kagabi. Nanggaling kasi si Sebastian sa bar na pag-aari ng family niya. “Sabagay, hindi naman na bago ‘yon.” Natawa pa siya. “Nagwala siya sa bar kagabi, maybe he’s not in the mood kaya hindi pumasok.” “I know,” Gio said. “Galing rin siya sa condo ko kaninang madaling araw. I convinced him na pumasok, pero hindi pa rin siya um-attend.” Tinapik niya sa balikat si Gio. “Hirap maging single parent ‘no?” Pabirong umirap si Gio sa kaniya. “Gago.” Parehas silang natawa, ngunit alam nilang may parte pa rin sa kanila na naaawa at nag-aalala kay Sebastian, hindi naman nila ito mapipilit kung talagang ayaw. Maybe if that tragedy didn’t happen, masaya pa sana si Sebastian ngayon at hindi patapon ang buhay. If only… she is still here. “Galing ako sa building nila Gladys, badtrip na naman ang reyna. Nitong bakasiyon ‘ata, hindi sila gaano nagkita ni Seb.” Napailing siya. Alam niya rin naman sa sarili niyang hindi niya alam ang salitang pagmamahal, but seriously. Mahal ba ni Gladys at Sebastian ang isa’t isa? Sa pagkakatanda niya naman ay walang nagpilit sa dalawa na magsama. Their relationship is really complicated. “I really don’t know if they are lovers or enemies,” sabi niya. Parehas lang naman ang dalawa, parehas na mahirap basahin. “Napansin mo? Kapag wala si Seb, our campus seems peaceful.”’ Naglakad siya, pupunta na sa susunod na klase, sinundan din naman siya ni Gio. “Should we wish for a twist to come?” tanong niya. Nananawa na rin naman siya sa paulit-ulit na senaryo. Pakiramdam niya tuloy ay may hinihintay siyang bagay na hindi niya rin naman alam kung ano. Bagay o pangyayari, but he prefers a person rather. ‘Yung chick na pasok sa taste niya sana. NAGPAALAM SI EMERALD KAY GLADYS AT BREENA NA MAGBABANYO MUNA. Ang totoo naman ay gusto niya lang munang panandaliang mahiwalay sa dalawa. Sa buong araw, madami na siyang nagawa para sa mga ito na dumadagdag sa pagod niya sa eskuwelahan. Wala naman siyang magagawa, hawak siya sa leeg ni Gladys. Kung bakit ba naman kasi ipinanganak siyang mahirap. Ilang taon na rin siyang nagtitiis sa ugali nito. Masiyadong sanay na umalila ng tao. Ang kaya niya lang gawin ay mag-aral ng mabuti para sa hinaharap ay hindi na siya matatapakan nang ganito na lang. Bumagsak ang paningin niya sa suot niyang uniporme. Plinantsa at nilabhan niya pa naman ang uniform niya nang maayos para sa unang araw ng pasukan, ganito lang pala ang mangyayari. Hindi niya naman matanggihan si Gladys nang sabihin nitong gusto nitong makipagpalit sa kaniya. Siya tuloy ang may suot nang namantsahang damit ni Gladys. Naalala niya ang eksaktong nangyari kung bakit natapunan si Gladys. Masiyadong mainit ang ulo nito nang hindi pa rin nakikita si Sebastian. Nabangga ito ni Arianne, president ng course nila at natapunan si Gladys ng inumin nito. Maging ang pekeng ngiti ni Gladys ay tumatak sa isip niya. Hindi naman kasi nito malalabanan si Arianne, dahil mali na kalabanin ang katulad nito na malakas rin ang kapit sa eskuwelahan. Isa pa, masiyadong tamad mag-aksaya nang panahon si Gladys. Matapos maghugas ng kamay ay lumabas na siya sa banyo. Nahinto nga lamang siya sa paglalakad nang mabangga siya ng lalaki, muntik pa siyang mawala sa balanse. Nang mabawi ang balanse ay unti-unti siyang nag-angat ng paningin sa nakabangga niya. Of course, she knows him. Masiyado itong sikat sa unibersidad nila para hindi makilala ng katulad niyang commoner lang naman doon at sa ilang taon na nasa iisang eskuwelahan sila, simula mag-college ay wala man lang silang kahit iisang interaksiyon. Literal na ngayon lang. Nakakunot ang noo nito nang tignan siya. Muli siyang nagbaba nang paningin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito. “O-okay lang ako…” sabi niya. Umere ang mahabang katahimikan matapos niyang sabihin iyon. Nang muli niyang inangat ang paningin niya, nakita niyang hindi man lang nagbago ang ekspresiyon nito. Pasiring ang tingin siyang nilagpasan nito nang walang sinasabi. Bakit nga ba nagulat pa siya… alam naman nang lahat na kahit artista ito ay hindi ito makikipagplastikan sa kahit na sino para lang gumanda ang image. He’s Javin Irazga, currently in his 4th year in Performing Arts. Kahit na bata pa lang ito ay nakikita na sa mga commercials at ilang sikat na movies as supporting actor. Kaya sino ang hindi magkakagusto rito? Yes, she likes him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD