[3] If Problem Was a Human

1466 Words
TAMA ANG ARKANGHEL SOPHIA. Unti-unti niya nang nauunawaan kung bakit siya ang pinili na ipadala sa lupa, para matulungan ang mga kaluluwang iyon. Naroon man ang pangamba ay nagtungo pa rin siya sa gusali ng Punong Maestro. "Talaga bang narito ka ngayon sa harapan ko, Munting Anghel?" Napayuko si Faith. "Totoo bang malalaman ko ang mga sagot sa aking mga katanungan sa lupa, Maestro?" Naging maliwanag ang ngiti ng Maestro. "Buo ba ang loob mo sa pagbaba ng lupa?" "Nais kong makatulong, Maestro. Buo na ang loob ko." Nagtagal ang sagot ng Maestro. Naroon man ang galak sa mukha, nagpapakita pa rin ang takot. Dahil hindi biro para sa mga anghel ang bumaba sa lupa bilang anyong tao, dahil sila ay nakikita, mahahawakan at mataas ang tiyansa na mapahamak. "Tatanggapin mo ba ang mga patakaran na kailangan mong sundin sa pagbaba sa lupa?" Bumakas naman ang gulat sa mukha ni Faith. "Hindi nila maaaring malaman na nagmula ka sa langit, Munting Anghel. Maaari mong ipakita ang pagmamahal mo sa tao habang nasa lupa, ngunit kung lalalim iyon ay ikakapahamak mo." "Ano ang ibig ninyong ipahiwatig, Punong Maestro?" Bumalik ang pangamba sa mga mata ng anghel. "Habang nasa baba ka ay isa ka lamang mortal, Faith. Ang mga mortal ay natutukso at hindi ka namin maaaring matulungan habang nasa baba ka nang hindi mo pa natatapos ang misyon, dahil mawawalan ng bisa ang katuturan na sana'y makukuha mo kung hindi kami makikialam." Natahimik si Faith. Hindi niya maintindihan ang lahat, pero nangangamba pa rin siya. "Kailangan mong matapos ang misyon, kahit gaano katagal, walang problema, ngunit kapag dumating ang oras na malaman nilang isa kang anghel nang hindi pa natatapos ang misyon, maaari mong ikamatay sa oras na pagka-interesan ka ng mga taga-lupa. Kaya hangga't maaari ay ingatan mo ang tunay mong pagkatao." "Naiintindihan ko, Maestro." "Ngunit hindi natin hawak ang oras..." Ang oras... ang malaking katanungang hindi masagot para sa kaniyang ika-uunawa. Sa lupa, malalaman niya ang kasagutan. Handa na siya. "Hindi natin alam kung kailan magtatapos ang buhay ng binatang iyon." Tukoy nito sa imahe ng lalaki na ipinakita sa kaniya. "Oras ang kalaban mo, Munting Anghel." Tila bulaklak na sumibol ang kaba na namuo sa kaniyang dibdib. "Maestro... Paano kung hindi ko matapos ang misyon?" Nagtagal ang paningin sa kaniya ng Maestro. Malungkot ang mga mata nito. "Hindi ka na makakabalik sa langit, Faith. Magiging mortal ka habambuhay, at hindi natin alam ang maaaring mangyari sa oras na maging mortal ka." Bumaling siya sa marmol na sisidlan ng tubig kung saan niya nakita ang kaniyang misyon. "Ang lalaki, Maestro... Anong mangyayari sa kaniya kapag hindi ko nagawa ang misyon?" WALANG BAKAS NG AWA na makikita sa mukha ni Gladys matapos itapon ang t-shirt na binigay ni Emerald sa kaniya. Sumapol iyon sa dibdib nito. Emerald is one of Saint Paul University scholar. In an easier term, poor— average. "Tawagan mo na lang ang driver ni Yadys para madalhan ng bagong damit. Make it fast." Kaagad namang pumagitna si Breena, kaibigan, pero hindi rin masasabing kaibigan. Marahil ay nararamdaman na nitong umiinit ang ulo niya kay Emerald. Ganito naman palagi ang nangyayari, kahit pa mataray si Breena, mas ayos pa rin ang ugali nito kaysa sa kaniya na walang sinasanto, kagaya na lang ni Emerald na mag-a-apat na taon niya nang ginagawang alalay, hindi makapagreklamo dahil walang laban. "Don't bother." Tinignan niya ang repleksiyon nilang tatlo sa salamin. Nakayuko si Emerald habang hindi naman maipinta ang mukha ni Breena. Tatlo lang silang nasa loob ng banyo, dahil hindi rin naman pumapasok sa C.R. sa kanilang building ang mga estudyante tuwing nasa loob siya, dahil para sa kaniya, dapat ay priority siya. "Take-off your clothes." Sinalubong niya nang malamig na titig ang nagtatakang si Emerald. "Yadys?" Tawag ni Breena sa kaniya. "Pumasok ka sa cubicle at hubarin mo ang uniform mo, then give it to me. Wala ka naman sigurong amoy, right?" ika niya pa. "Seriously?" Hindi pa rin makapaniwala si Breena. Hindi siya nagsalita. Tiim ang bagang niyang pinanood si Emerald mula sa repleksiyon ng salamin, pumasok ito sa cubicle na katapat ng likuran niya. "What's happening to you? Ang init ng ulo mo. It's obvious that you are not on your right state of mind, nabangga ka tuloy." Nanatili ang malamig niyang ekspresyon. Kung hindi lamang presidente ng kanilang course ang nabangga niya, hindi niya palalagpasin iyon. Ngayon lang, babawi siya sa susunod. Ang kagaya niyang galing sa pamilya ng nga Ming ay hindi dapat basta-basta lamang binabangga, intensiyonal man o hindi. "Is it because hindi pumasok si Seb?" Hindi niya pinansin ang sinabi ni Breena. Kaagad niyang hinubad ang damit niya nang lumabas si Emerald. They switched. Isa pa iyon. Hindi na naman pumasok ang magaling niyang nobyo. Ito ang unang araw ng klase, nag-aalala siya sa ginagawa nito sa sariling buhay at ang isa pang rason, matagal na silang hindi nagkikita, ngayon na lang sana at wala pa ito. "Let's go," turan niya sa dalawa. Huminto siya sa hallway nang makasalubong si Gio. Inis siyang nag-iwas ng paningin. "Talagang hindi pumasok ang basagulero mong kaibigan. Anong ginagawa mo sa building na 'to?" "Manliligaw," inosente nitong sinabi. "Gross," bara niya naman. "Hi, Breena." Nilagpasan siya nito para puntahan si Breena na nasa likuran niya. "I baked something for you. 'Wag mo bigyan si Gladys, okay?" Pinagkrus niya ang kaniyang braso. Hinihintay na matapos sa pag-uusap ang dalawa nang hindi lumilingon sa mga ito. "You wished I would taste that," ika niya pa. "You wished Seb would bake you one." Umawang ang labi niya sa nakakaasar na bawi ni Gio. Tama naman ito. She wished. Dahil hindi naman ganoon si Sebastian sa kaniya. NAKAKASILAW NA LIWANAG ANG naghatid kay Faith sa lupa. Tahimik, ngunit biglang umingay nang maramdaman niya ang paglapat ng kaniya paa sa magaspang na kalsada. Unti-unting nawala ang liwanag. Sa kaniyang pagbaba ay napako kaagad ang kaniyang mga mata sa pamilyar na mukha. Ang lalaki, ang susi sa misyon. Hindi man sanay sa gaspang ng kaniyang kinatatayuan na wala sa langit ay nagpatuloy siya sa paglalakad para puntahan ito, ngunit hindi pa man siya nakararating ay isang bagay na ang pumigil sa kaniya. Tila tunog ng maliliit na kampana. Isang tila bakal na kariton na itinutulak ng matandang mama. Ang mama, mababangga! Nawala na sa isip niya ang dapat na pupuntahan niya, ang tanging nasa isip niya lamang ay matulungan ang mamang iyon mula sa sasakyan na mabilis ang takbo. "Mama!" Binuhos niya ang kaniyang lakas para maitulak ang may katandaan ng lalaki. Naging malakas ang pagpreno ng puting kotse. Halos hibla na lamang ng buhok ang pagitan nila ng sasakyan at ng puti niyang bestida. Takot man ay hindi siya kumurap, alam niyang hindi siya pababayaan ng nasa itaas. "Mabuti ba ang lagay ninyo?" tanong niya sa matanda na kaagad niyang pinuntahan para tulungang tumayo. "A-ayos lang ako, Ineng. Maraming salamat. Bakit mo ginawa iyon?" Nag-aalala man ay ngumiti lang siya. "Dahil po iyon ang nararapat." "Hoy, Miss!" Mula sa kotse ay bumaba ang nagmamaneho niyon. Isang lalaki na natataya niyang hindi tataas sa dalawampu't limang taong gulang. "Tanga ka ba?" Tumayo siya kasabay ng matanda at hinarap ang lalaki. Pinalibutan sila ng mga tao na naging sanhi ng trapiko. Hindi siya makapaniwala sa lumabas sa bibig nito. "Bakit ka nagsasabi ng ganiyan sa iyong kapwa? Hindi mo ba alam na mali iyan? Sana ay nagdahan-dahan ka sa pagmamaneho, Ginoo." Namula sa inis ang lalaki. "Nakita mo ba? Tumatagas na ang gas sa kotse ko! Bakit humaharang harang ka pa?!" "Kung hindi ako humarang ay mababangga mo siya," sa mahinahon at mapang-unawang tinig ay sinabi niya. "E ano kung mabangga ko ang pulubi na 'yan?" Umingay ang bulungan sa paligid. Naramdaman niya ang pagyuko ng mama mula sa kaniyang likuran. "Magdahan-dahan ka sa iyong sinasabi. Buhay ng tao ang pinaguusapan natin rito, Ginoo." Hindi niya inaasahang hahawakan siya nito sa braso nang mahigpit. Nais tumulong ng matanda, pero pinigilan niya ito gamit ang pagsenyas. "Maging mabuti ka sa iyong kapwa-" Hindi pa man siya nakakatapos magsalita ay umamba na ng suntok ang lalaki, ngunit hindi iyon tumama. Hindi siya kumurap, ngunit nagulat siya nang makita ang taong pumigil sa galit na lalaki. Ang susi sa misyon. "I-ikaw..." Naging mabagal ang pagbigkas niya. Mabilis na naitulak nito ang galit na lalaki palayo sa kaniya, ngunit maging ang susi sa kaniyang misyon ay galit din sa kaniya, ngunit bakit? Ano ang nagawa niya rito? Akma nitong sasapakin ang lalaki nang kaagad niya itong mapigilan. Ramdam niya ang panginginig ng kamao nito na handa nang sumalubong sa lalaking humaras sa kaniya na nakasandal na ngayon sa sarili nitong kotse. Umiling siya, naroon ang amo sa mga mata. Unti-unting naglaho ang matalim na titig ng lalaki nang tignan ang mukha niya. "Huwag, Sebastian..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD