Amara Naghuhurumintado ang puso ko sa sobrang inis dahil kaharap ko ngayon sina Galvert at Trisha. Nasira ang plano namin ni Georgina dahil isinama dito ni Galvert ang lucky girlfriend nya. “Kuya, hindi mo naman sinabi na kasama mo pala ang lucky girlfriend mo, eh di sana nalagyan namin ng lason ang pagkain. Oops! Joke!” mataray na wika ni Georgina “Excuse me? Joke ba talaga yon?” naiirita ring sambit ni Trisha. Hindi maikakaila na mataray din ang isang ito. Kasing ugali nya ang grupo ni Myrtle na wala ng ibang ginawa kundi ang manghamak ng maliliit na estudyante. “Hey, tama na nga yan. Hindi mo rin naman sinabi na nandito pala si Amara kaya patas lang.” wika ni Galvert Rumolyo ang mga mata ni Georgina sa kanyang kuya. Pero hindi ko matiis na hindi magsalita. “At kung alam mong nan

