Amara Dinig ko ang hiyawan ng mga lalaking classmate ni Georgina nang makarating ako ng cottage. “Wow naman Ms. Amara, sobrang hot mo naman.” Sabi ng isa na hindi ko naman kilala. Nginitian ko lang sya. “Thank you.” Banggit ko Lumapit ang isang lalaki at tumabi sa akin. “Miss, can we have a picture? For instabook story.” Wika ng isa. “Oh sure” sabi ko Inakbayan nya ako at sabay kaming ngumiti sa harapan ng mamahalin nyang cellphone. Kitang kita ang buong pagkatao ko sa kuhang iyon. Ang lawak ng ngiti nung lalaking nagpapicture sa akin. “Thank you miss.” Sambit nya Pakiramdam ko ay isa akong artista na pinagkakaguluhan nila. Wala namang pinag-iba ang suot ko kay Georgina at sa fake girlfriend ni Galvert na si Trisha. Bakit kaya parang kakaiba ang mga kilos nila ng makita nila ak

