Amara “Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Alodia habang hinuhubad ko ang apron ko at ipinapasok ko ito sa locker room. Napakagat labi ako sa mga naging tanong nya. Hindi talaga ako tatantanan ni Alodia kapag may kakaiba akong gagawin. Kagaya ngayon, lalabas ako upang magtungo sa RT coffeeshop na iyon para malaman ang totoo. Pero ayokong ipaalam ito sa iba. Ayokong malaman ito lalo na ng kaibigan kong si Alodia. Hinarap ko sya at buong tapang akong tumingin sa mga mata nya. “May nakalimutan lang ako sa dorm. Babalik din ako agad.” Wika ko Kaagad ko na syang tinalikuran. “Huh? Ano naman ang nakalimutan mo? Hindi ba pwedeng mamaya na lang pag-uwi natin? Ang weird mo.” Banggit nya Ngunit hindi ko na sya nilingon pa. Alam kong may pagtataka sa kanyang utak pero kailangan ko ng mag

