Amara “Tatlong seats na lang ang available sa van namin. Isa para kay Alexa, na sobrang tagal dumating at yung isa ay kung sino ang gustong sumama dito.” Wika ni Joan, isa sa mga classmates ni Georgina. Ang isang van kasi ay puno na kaya naman nagkulang ang seats nang dumating si Ernest. Ang buong akala kasi namin ay hindi na talaga sya darating. “Naku pasensya na, nagkagulo tuloy ng dahil sa akin.” Malungkot na tinig ni Ernest. “Ofcourse not! Huwag mong sabihin yan.” Pagtatanggol naman ni Georgina sa kanya. Mukhang mapupurnada pa yata ang lakad namin dahil nagkulang kami ng sasakyan. Dalawa na lang ang kasya sa van. Para sa akin at kay Georgina sana. Wala talagang mauupuan si Ernest. “Hey wag na kayong mamroblema. Ang luwag ng sasakyan ko. Pwedeng pwedeng sumakay dito ang dalawa. A

