Amara Tatlong araw na hindi nakapasok si Galvert at alam kong dahil ito sa nangyari sa kanyang mga mata. Ang tindi naman nung buhangin na pumasok sa mata nya dahil talagang sobrang na-irritate ito at umabot pa sa puntong hindi sya makapasok. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ako sa kanya. Si Galvert pa naman iyong tipo ng tao na hindi mahilig tumawag o magtext man lang kung ano na ang nagyayari sa kanya. Kaya naman hindi ko rin sya masyadong tinatawagan noon dahil nga hindi rin naman sya sumasagot. Para sa kanya ay mas mabuti nang magkausap ng personal kaysa ang magtawagan pa. Kaya heto ako ngayon, parang nababaliw na sa kakaisip kung kamusta na ba sya? Minabuti kong kausapin na lang ang kapatid nyang si Georgina para makasagap ako ng impormasyon. Ngunit maging si Georgina ay ang

