Chapter 16
Bumangon agad ako ng marinig kong tumunog ang alarm clock ko. Nag-inat muna ako bago pumasok sa cr ko at gawin ang morning rituals ko. Paglabas ko ng banyo pumasok ako sa walk-in-closet ko at naghanap ng damit na susuotin. Ngayon ang hinihintay kong araw, ang high school reunion namin
Bumaba ako sa baba at dumiretso sa dining area para mag breakfast. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Cheska
"Hi Elize!" Masiglang bati niya sa'kin.
"Hello. Lahat ba kayo nasa mall na?" I asked,
"Yes. Actually kanina pa, naiinis na nga si Jayne, eh. You know her naman diba? Mainipin."
"Late kasi ako nagising. Papunta na diyan ang sasakyan so hintayin niyo nalang sa entrance ng mall," I said.
"Okay."
Hindi na ako sumagot at binaba na ang tawag
"Manang," I call my maid.
"Ano yun Elize?"
"Pasabi po kay manong pumunta na sa mall."
"Sige." Umalis si manang sa dining para puntahan si manong na nasa garahe. Sabi ko kasi i-check nila ang sasakyan at siguraduhing maayos ang lahat para hidi magkaroon ng problema sa byahe.
Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong sinagot ang tawag
"Good morning beautiful."
"Good morning."
"Excited?"
"Slight?" I answered.
"Konti nga lang ba?" Mapanuksong tanong niya sa'kin.
"Ofcourse I'm so excited. Gusto kong malaman nila na nagbago na ako, na hindi na ako yung Elize na nerd at pangit," sagot ko.
"Hindi ka pangit."
"I know but you know how judgemental they are."
"Wag ka ng magpapa-apekto sa sinasabi nila."
"Hindi na, hindi na ako yung Elize dati. Mas kaya ko na silang harapin ngayon," sagot ko habang nakatingin sa kawalan
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago pumasok sa loob ng classroom. Nakayuko akong naglakad papunta sa upuan ko. Lagi naman akong nakayuko tuwing nandito sa classroom, minsan nga sumasakit na ang batok ko dahil lagi nalang akong nakayuko pero hindi ko naman kasi kayang harapin ang mga ka-klase ko. Baka lalo lang nila akong pag initan kapag nakita nilang nakatingin ako sa kanila
Pasimple kong inangat ang tingin ko dahil nangangawit na ang batok ko. Napunta ang tingin ko kay Kiya. Akala ko talaga kaibigan ang tingin niya sa'kin hindi pala. Ginamit niya lang pala ako para sa grades niya
"Bakit ang sama mo makatingin kay Kiya?" Napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Josielyn.
Mabilis akong yumuko. "H-hindi ah." Umiiling na sagot ko.
"Anong hindi, kitang kita kaya namin ang sama ng tingin mo kay Kiya," Jayzie said.
"Siguro galit siya dahil akala niya kinaibigan talaga siya ni Kiya," natatawang sabi ni Jasmine.
"I think dapat nating sabihin kay Kiya na masama ang tingin ni Elize sa kaniya," Jayzie said.
"Mabuti pa nga," sang-ayon ni Josielyn sa kaniya.
"Kiya!" Tinawag ni Jasmine si Kiya.
Mabilis akng tumayo pero bago pa ako maka-alis ay hinawakan na ni Jasmine ang braso ko
"J-Jasmine b-bitawan mo ko." Pilit kong tinatanggal ang kamay ni Jasmine sa braso ko.
"Anong sabi mo? Inuutusan mo ba ako?" Tumaas ang kilay niya.
"H-hindi." Umiiling na sagot ko.
"Bakit?" Lumapit si Kiya samin.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko para hindi magkasalubong ang tingin naming dalawa
"Guys!" Sigaw ni Jayzie.
Naramdaman ko ang tingin ng mga ka-klase namin ng tawagin sila ni Jayzie
"Elize here is glaring at Kiya!" Sabi ni Jayzie sa mga ka-klase namin.
"Tumatapang ka na pala Elize," sabi ni Maris.
Hindi ako nag salita at nanatiling nakayuko
"Bigyan niyo ng leksyon," sabi ni Collins.
"What's happening here?" Narinig ko ang boses ni Jayne mula sa pintuan ng classroom namin. Mukhang dumating na sila.
"E'tong si Elize lang naman, ang sama ng tingin kay Kiya," sagot ni Josielyn sa tanong ni Jayne.
Patago akong tumingin kay Jayne. Nakangisi siya at tuwang tuwa sa nakikita niya
"Really? Lumalaban na si Elize?" Kunyaring gulat na tanong niya.
"Sabi na, eh. Nasa loob ang kulo niyan ni Elize," sabi ni Cheska.
"My gosh, may tinatago pala talagang sama ng ugali ang mahirap na yan," maarteng sabi ni Julie.
"I think we need to cut Elize's sungay," ani ni Vince at lumapit samin. Binitawan naman ako ni Jasmine pagkalapit ni Vince.
"A-aalis na ako." Lalakad na sana ako paalis pero hinarang ako ni Julie. She raised her eye brow at me.
"And where do you thin you're going," Jayne smirked.
Napalunok ako at umatras. Nasaan na ba kasi si ma'am? Bakit wala pa siya?
"Dapat diyan batuhin ng bato sa mukha. Nakakairita na mukha niya, eh," nakangising sabi ni Jeff.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Sobrang sama talaga ng ugali niya
"Oh, bakit ka lumalayo Elize?" Tanong ni Matty sa'kin.
"What did she do ba?" Tanong ni Rain.
"Sinamaan niya daw ng tingin si Kiya, siguro dahil dun sa nangyari nung party. Nasaktan ka ba? Masyado ka kasing assumera," sabi ni Ariel sa'kin.
"Really? Parang hindi naman ata gagawin ni Elize yun," Rain said.
"Well, nagawa niya na," sagot ni Cheska sa kaniya.
"T-tinitingnan ko lang naman si Kiya," utal na sagot ko.
"Sumasagot!" Sigaw ni Jp.
"Teach her a lesson!" Ani ni Thalia.
"Tama si Jeff, batuhin ng bato!" Sabi ni Maris.
Mga wala talaga silang puso
"W-wala n-naman akong g-ginagawa," napalakas ang pagkakasabi ko kaya lahat sila ay natahimik.
Bago pa sila makapag salita dumating na si ma'am kaya para akong nabunutan ng tinik. Mabuti nalang at dumating na si ma'am
"Good."
I chuckled. "Sige na. Mag-aayos na ako."
Nagpaalam na ako sa kaniya bago ibaba ang tawag.
"Ate!" I called my maid.
"Yes po?"
"Patulong naman po akong buhatin yung mga gamit ko," pakiusap ko kay ate Mayie.
"Sige po. Tatawagin ko lang yung iba."
Tumango ako at ininom ang tubig na nasa baso ko bago tumayo at umakyat sa taas kung nasaan ang kwarto ko
Binuksan ko ang cellphone ko at tinext si Cheska
To: Cheska
Hi, it's me Elly. Hindi ako sasabay sa inyo papunta sa island pero susunod din agad ako. Ibababa naman kayo ng driver ko sa pier. My yacht is waiting there. Hindi rin aalis ang mga bodyguards ko hangga't wala pa ako so don't worry, hindi kayo maiiwan sa island
Pagkatapos kong mag type ay sinend ko na ang message ko at kinuha ang mga gamit ko. I can't wait to see them
***************************
CHESKA'S POV
Pagdating ko sa mall kung saan kami magki-kita kita nandun na ang iba naming mga ka-klase
"Sino nalang yung wala?" Tanong ko sa kanila.
"Si Jayne, si Julie, si Vince, Jasmine, Joy, Miggy, Eyra, and Jeco," sagot ni Jelly sa tanong ko.
"Grabe, excited na akong makita si Elize," Jeff said.
I roll my eyes because of what he said. Bakit naman siya excited makita ang panget na yun?
"Dati ayaw mong makita kahit anino ni Elize," Rain said.
"Eto namang si Rain nagse-selos agad. Ikaw parin naman , kailangan ko lang talagang tikman si Elize," nakangising sabi niya.
Tsk, manyak talaga. Hindi na nag bago
"Grabe ka Jeff, manyak ka na dati hanggang ngayon ba naman?" Inis na sabi ni Thalia kay Jeff.
Tumaas ang kilay ni Jeff at tumingin kay Thalia. "Wala ka ng pake dun," nakangising sabi nito.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Anong meron?
"Wag mo namang kausapin ng ganyan yung girlfriend ko pre," ani ni Jp kay Jeff.
"Sorry pre."
"Nandito na kami!" Napatingin kami sa bagong dating. Sila Miggy at Joy pala.
"Antagal naman ng iba nating kasa-" Napahinto si Yassy ng dumating rin si Jeco at Eyra.
"Sino nalang kulang? Ano ba naman yan, gusto ko ng mag beach," inis na sabi ni Matty.
"Si Jayne, si Julie, si Vince, Jasmine," sagot ko sa tanong niya.
"Wala parin naman yung sasakyan natin," bagot na sabi ni Maris.
Ilang minuto lang ay dumating na si Vince, Jasmine at Julie
"Sorry, pinaghintay ko kayo. May ginawa pa kasi ako. Anyway, tara na?" Pasimple akong napa-irap dahil sa sinabi ni Julie.
"Wag kang feeling, hinihintay pa natin si Jayne at wala pa yung sasakyan," I said.
"I 'm here na." Napalingon kami sa abgong dating.
"Jayne!" Sigaw ni Rain at lumapit kay Jayne, Bago pa siya maka-yakap ay lumayo na si Jayne sa kaniya.
May kailangan siguro siya kay Jayne. Ganiyan lagi si Rain tuwing may kailangan, eh
"Don't hug me," maarteng sabi ni Jayne.
"Where's the van?" Jayne asked.
"Wala pa," sagot ko.
"Wala pa? Bakit wala pa?" Kumunot ang noo niya.
"Baka kasi naghahanap pa siya ng van na aarkilahan," ani ni Vince kaya natawa kami.
"Tingin ko late lang si Elize. Sa yaman nun mag aarkila pa ba yun?" Napatigil kami sa pag tawa dahil sa sinabi ni Maris.
"Ohh, akala ko si Joy lang ang mukhang pera satin. Ikaw rin pala Maris? Matindi siguro ang pangangailangan mo right now kaya mabait ka kay Elize," nang-aasar na sabi ni Jayne kay Maris.
Tumaas ang kilay ni Maris. "Wala akong pangangailangan pero sa tulad mong naghi-hirap na napakayabang mo. Ikaw ang kailangan mag rent hindi si Elize," ngumisi si Maris at tinalikuran si Jayne.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko. Buti nga sa kaniya
"Alam niyo, maganda ata kung mag shopping muna tayo," Marie suggested.
"Dala yung gamit natin?" Vince asked.
"Let's go to starbucks nalang," sabi ni Jayne at nauna ng mag lakad paalis.
"Mauna na kayo, tatawagan ko lang si Elize," sabi ko sa kanila.
Idi-dial ko palang sana ang number niya pero tumawag na siya sa'kin
"Hi Elize!" Masiglang bati ko sa kaniya
"Hello. Lahat ba kayo nasa mall na?"She asked.
"Yes. Actually kanina pa, naiinis na nga si Jayne, eh. You know her naman diba? Mainipin," biro ko.
"Late kasi ako nagising. Papunta na diyan ang sasakyan so hintayin niyo nalang sa entrance ng mall." Hindi niya pinansin ang sinabi ko kaya napasimangot ako. Ang sungit naman ng nerdy na to!
"Okay." Ibababa ko na sana ang tawag pero naunahan niya ako.
Ha! Porke't yumaman naging masungit? Tingnan ko lang kung maging ganyan pa siya after ng reunion
Naglakad na ako papunta sa starbucks at pinuntahan ang mga ka-klase ko. Ilang minuto lang kaming nag hintay sa van. Sa laki ng van, maraming space para sa gamit namin
"Where's Elize?" Tanong ni Jayne.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya chineck ko kung sino ang nag text
"Si Elize!" Sigaw ko sa mga kasama ko.
"You don't have to shout," iritang sabi ni Jayne.
"What did she say?" Tanong ni Ariel.
"it's me Elly. Hindi ako sasabay sa inyo papunta sa island pero susunod din agad ako. Ibababa naman kayo ng driver ko sa pier. My yacht is waiting there. Hindi rin aalis ang mga bodyguards ko hangga't wala pa ako so don't worry, hindi kayo maiiwan sa island." Binasa ko ang message sa'kin ni Elize.
"What? bakit hindi pa siya sasabay?" Iritang tanong ni Jayne.
"May gagawin pa ho kasi si ma'am Elly. Hindi naman po kayo iiwan ng mga kasamahan ko dahil kabilin bilinan mo po ni ma'am Elly na huwag kayong iwan." Napatingin kami sa driver ng mag salita siya.
Bago pa ako makasagot ay nag salita na naman siya
"Wala na ho ba kayong naiwan? Aalis na po tayo."
Naramdaman kong umandar ang sinasakyan namin kaya hindi na kami nag salita. Kung ako ang boss ng manong ns to baka matagal na siyang tanggal sa trabaho niya
Nagsari-sarili kami habang nasa byahe. Wala naman akong iku-kwento sa kanila. Wala rin namang nangyaring maganda sa buhay ko this past few months so mas lalong wala akong dapat ikuwento
"Mga ma'am, sir nandito na po tayo."
Nagising ako ng makaramdam ako ng alog sa balikat ko
"We're here na!" Nakangiting sabi ni Rain.
"Wag ka ngang ngumiti," inis na sabi ko kay Rain.
"Bakit naman?" Nakasimangot na tanong niya.
"Ang pangit mo, eh," sagot ko at tumayo tsaka lumabas ng van.
Puro yacht ang nandito sa pier. Nasaan kaya ang kay Elize dito? For sure malaki yun
"Nasaan ang yacht ni Elize?" Tanong ni Julie habang nakatingin sa mga yacht na nasa tubig.
"For sure yung pinaka-maliit ang kay Elize. Alam niyo naman kung gaano siya ka-cheap diba?"
Napahagikgik kaming pito dahil sa sinabi ni Jayne. Naalala ko tuloy ang ka-cheapan niya noong high school palang kami. I can't beleive na nagkaroon ako ng classmate na super cheap