Job

1444 Words
Chapter 29 Umuwi na ako pero dumaan muna ako sa bilihan ng manok para bumili ng ulam namin. Pag pasok ko sa loob ng bahay nakita ko agad si mama na nanonood ng tv. Oo, kahit mahirap kami may tv kami na flat screen. Pinag ipunan ni papa yan dahil lagi nalang nag re-reklamo si mama "May dala po akong ulam," sabi ko at inangat ang manok na hawak ko. Tumango lang siya at tinuro ang lamesa namin kaya nag lakad na ako papunta dun at nilapag ang ulam na dala ko Sanay na ako kay mama. Wala naman talaga siyang pake sa'kin at kay papa. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya pa kami iniiwan. Mas gusto ko pa yun dahil hindi ko na maririnig ang puro reklamo niya. Mas malala pa siya sa'kin, eh. Bata palang ako ganiyan na siya, walang pake sa'kin. May pake lang siya sa'kin kapag binibida niya ako sa mga kaibigan niya Nauna na akong kumain dahil aalis ako mamayang gabi. Baka hindi pa ako makakain ng hapunan kung hindi pa ako kakain ngayon. Pagkatapos kong kumain ay inurungan ko na ang pagkain ko tapos pumunta sa kwarto ko para matulog Nagising ako sa alarm ko. Bumangon na agad ako dahil nag text na sa'kin si Marj Pag labas ko ng kwarto ko nakita ko si papa at mama na kumakain "Kain na Maris," ani ni papa sa'kin. "Kumain na po ako," sagot ko. "Aalis ka ba?" Tanong niya sa'kin. "Opo. May trabaho po." "Sige, mag-iingat ka." Pumunta ako sa banyo para maghilamos. Hindi naman pwedeng mukha akong losyang. Paglabas ko ay dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit at ayusin ang mga dadalhin ko Saktong paglabas ko ng kwarto ko ay nakarinig ako ng katok sa pinto "Si Marj na po ata yan. Alis na po ako, ma, pa," paalam ko sa magulang ko. "Ingat, anak," ani ni papa sa'kin. "Opo." Sinuot ko na ang sumbrero ko bago buksan ang pintuan. Tama naman ako, si Marj nga ang kumakatok. Naka suot siya ng short at fitted na top. Naka make-up rin siya at kulot pa ang buhok Sinarado ko muna ang pinto bago siya tanungin kung bakit parang may pupuntahan siyang party "Bakit ganiyan ayos mo?" Tanong ko sa kaniya. Nag simula na kaming maglakad palabas ng squatters area "Trabaho," maikling sagot niya. "Ang ganda mo naman Marj!" Ani ng lasing na nasa harap ng tindahan. "Magkano ba isang gabi Marj?" Tanong ng mga lalaking nag iinuman. "Che, tumigil kayo. Ayoko sa mabaho," mataray na sagot ni Marj sa kanila. "Ang arte, oh!" Napailing nalang ako sa kanila. Mga bastos! Paglabas namin sa squatters area papara na sana ako ng sasakyan pero umiling siya "May susundo sa'tin," ani ni Marj. "Susundo?" Kunot noong tanong ko sa kaniya. "Oo nga. Inulit ka ba. Siya nga pala, natuloy ka ba kanina?" Tanong niya sa'kin. "Oo naman kaso kulang padin, eh," sagot ko. "Magkano lang nakuha mo?" "Twenty five, tapos baka may isauli pa ako," problemadong sabi ko. "Pahihiramin naman kita pag kulang padin. Hindi ko na lalakihan ang interest. Pasalamat ka at kaibigan kita," sabi niya sa'kin. "Talaga? Hindi ka ata kuripot ngayon." "Marami akong pera ngayon kaya ganun," kumindat siya sa'kin. "Paano ka naman nagka-pera?" "Malalaman mo mamaya," sagot niga sa'kin at tumingin sa kalsada. "Ayan na yung sundo natin." May humintong kotse sa harapan namin kaya nagtaka ako. May kaibigan palang mayaman si Marj? O baka jowa niya to? Foreigner kaya? Kaya siguro andami niyang pera Bumaba ang salamin ng sasakyan. Hindi foreigner ang nakita ko kundi bakla "Sakay na bruha!" Sigaw niya kay Marj. "Eto na nga. Ang init init na naman ng ulo mong baklita ka," sagot niya sa bakla bago lumingon sa'kin. "Sakay na Maris." Sumakay na siya sa passenger seat kaya sa likod na ako sumakay. Pagsakay namin ay pina-andar niya na ang sasakyan papunta sa kung saan "Sino siya?" Tanong ng baklang kaibigan ni Marj at tumingin sa'kin sa pamamagitan ng rearview mirror. "Kaibigan ko. Ipapasok ko sana, eh," sagot naman ni Marj. Masinsinan akong tiningnan ng baklang sumundo sa amin. "Pwede na. Mukhang maganda pag naayusan," ani niya. Kumunot ang noo ko. Anong trabaho ba kasi ang sinasabi niya? Kailangan ba ng disguise kaya mag-aayos pa? Wag naman sana sa bar. Hindi ko kayang ibenta ang sarili ko Huminto kami sa likod ng isang building. Kinutuban na agad ako ng makita ko palang ang building Napaigtad ako ng may kumatok sa bintana ng kotse. Pagtingin ko sa gilid ko nakita kong nasa labas na pala si Marj. Sa dami ng iniisip ko hindi ko napansin na ako nalang pala ang nasa loob ng sasakyan kaya bumaba na ako "Nasaan na yung kasama mo?" Tanong ko sa kaniya. "Nasa loob na. Anyway, siguro naman alam mo na kung anong trabaho ang tinutukoy ko no?" Tanong niya sa'kin. "Alam mo namang ayoko maging pokpok diba," yamot na tanong ko sa kaniya. "Malaki ang kikitain mo dito tsaka isang araw mo lang naman gagawin. Baka nga sumobra pa ang pera mo kapag naka-jackpot ka dito." "Ayoko talaga." Umiiling na sagot ko. "Sigurado ka? Ikaw din, mukhang kailangan mo pa naman ang pera kasi diba sabi mo may reunion kayo tapos baka matahin ka ng mga kaklase mo,"Marj said. Unti-unting pumasok sa isip ko ang mga posibleng mangyari kung malaman nila ang status ng buhay ko ngayon "Ano? Sure ka na ba talaga? Kasi may mga client pang naghihintay sa'kin?" Nawala ang iniisip ko ng mag salita ulit si Marj. "S-sige. Payag nako," sagot ko. "Perfect! Tara na sa loob," masayang sabi niya at hinatak ako papasok. Hindi ko na kailangan gawin lahat yun dahil nauto ko na siya! Oo, nauto. Hindi ko naman kasi talaga alam ang sikreto nila pero alam kong may sikreto sila dahil narinig ko sila noon. Buti nga at naalala ko pa yun, eh Umaga na ako naka-uwi. Tulala pa ako pag uwi ko, hindi ko nga alam kung paano pa ako nakauwi. Marami akong pera pero hindi ako masaya. Humiga ako sa kama ko habang nakatulala sa kisame. Kung hindi lang sanamga demonyo ang mga kaklase ko, hindi ko kailangang gawin to. Ayokong matulad kay Elize, alam kong bumabagsak na ang company nila Jayne pero may iba pa kaming mga kaklase na sa tingin ko ay may narating sa buhay. Hindi katulad ko. Nandito sa squatters area! Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Ilang minuto akong umiiyak habang nakatingin sa kisame ko ng maisipan kong tumagilid. Nakita ko ang dyaryo sa lamesang nasa gilid lang ng higaan ko. Ang nasa unahan pa ay si Jayne. Pinahid ko ang luha ko at umupo. Kinuha ko ang dyaryo at tiningnan ang mukha ni Jayne Kinakarma na siya sa ginawa niya dati. Natutona kaya siya? Pinagkatitigan koang mukha niya, hindi ko alam kung bakit oo paanong biglang pumasok sa isip ko ang narinig kong usapan nila dati Graduation na namin pero may naiwan akong gamit sa room kaya mabilis akong tumakbo papunta dun. Malapit narin kasing mag start ang ceremony. Pagdating ko sa harap ng room namin nakasarado na ang pinto at bintana. Aalis na sana ako pero may naririnig akong nag-uusap sa loob kaya dinikit ko nalang ang tenga ko sa pintuan "Ano ng balak mo Jayne?" Teka, boses ni Cheska yun, ah "Aalis dito. Let's just forget everything. Subukan niyo lang mag salita about sa nalalaman niyo. Alam niyo na ang mangyayari sa inyo," banta ni Jayne. Siguro kaibigan niya ang kausap niya. Tsaka ano yung sinasabi niya? "Promise, wala kaming sasabihin," ani ni Julie. "Good. Wala ng dapat maka-alam ng sikreto natin. Lalong lalo si Elize, hindi niya pwedeng malaman ang nangyari," Jayne said. Kumunot ang noo ko. Ano yung hindi pwedeng malaman ni Elize? "Babe, kumalma ka nga. Hindi niya naman malalaman." Narinig ko ang boses ni Samuel. Nandito rin pala siya? Sabagay kung nasaan ang isa sa kanila asahan mong nandun din si Samuel or Jayne "The ceremony is about to start kaya magsi-upo na po tayong lahat." Mabilis akong tumakbo at pumunta sa gilid ng room namin ng marinig ko ang announcement at ang yabag nilang palabas ng room Nakita ko sialng tumakbo paalis kaya lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko. Ano kaya ang sikretong tinutukoy ni Jayne? Kinalma ko ang sarili ko. Dapat kalmado lang ako at walang makahalata na masaya ako dahil sigurado akong tatanungin nila ako. Baka masabi ko pa sa kanila e'di pera na sana naging bato pa Sisiguraduhin kong mauubos ang pera ni Jayne. For sure naman marami pa siyang pera kahit nalulugi na sila. KYAH! Hindi na talaga ako makapag hintay na bumalik sa manila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD