Chapter 48 ELYZE'S POV Nagtago ako sa loob ng kwarto ko. May hidden room kasi dito kaya alam kong safe ako dito. Sa cabinet ko ay may hidden button na pag pinindot mo ay bubukas ang pinto papunta sa walk-in closet ko Pinuno ko ng pagkain at mga sandata ang walk-in closet ko. May aircon dito kaya hindi ako maiinitan. Gusto ko sanang isama sila Kiya at Rain pero hindi pwede, I can't trust them. Baka mamaya si Jayne ang killer and they are working for her. Kampon niya parin naman yun kaya hindi ko sila kayang pagkatiwalaan Hindi ko talaga alam kung sino ang may gawa nito. Masasama sila pero hindi ko alam na aabot sa ganito. Pero hindi narin ako magtataka dahil highschool palang kami ay napapansin ko na ang lihim na galit nila sa isa't isa Tumingin ako sa orasan ko. 11 pm na pala, I n

