Chapter 4
"Sa island nila Jayne. Pwede naman dun diba?" Lumingon si Cheska sa katabi niya.
"No. hindi pwede. May inaayos ngayon sa island namin," mabilis na sagot nito.
May inaayos nga ba o binenta na? Hindi siya pwedeng mag artista. Hindi siya marunong mag acting. Halatang-halata na kinakabahan siya at sa bilis palang ng sagot niya ay halatang may tinatago na siya.
"Hindi niyo ba binenta?" I asked. Gusto ko lang namang bigyan ng idea ang mga kasama namin ngayon.
"No, bakit namin ibebenta?" Inis na tanong niya sa'kin.
"Tinanong ko lang naman. Anyway, I recently purchased an island, if you guys want pwedeng dun natin ganapin ang high school reunion natin," I suggested.
"Wag na, sa iba nalang natin ganapin," tutol ni Jayne.
"We can stay there for one week. Parang vacation narin," dagdag ko. Mas gusto ko kasing sa island ko nalang ganapin para walang tao at walang makakakita sa'kin. Madalas kasi akong sinusundan ng media since I'm a famous model.
"Plus wala tayong ibang kasama," sabi ni Cheska.
"Malapit rin sa dagat," excited na sabi ni Matty.
Kita ko sa mata nila ang excitement. Ngayon nalang ba sila nakapag bakasyon?
"Yes. Wala pa kayong gagastusin," ani ko para mas lalo silang makumbinsi.
"Bakit parang pinaparating mo na wala kaming pera?" Tumaas ang isang kilay ni Jayne.
"No. What I mean is we can go to an island without spending money. You know, I have a habit kasi of pagtitipid," I answered.
"You're cheap," pang-iinsulto sa'kin ni Jayne.
"Mas gusto ko lang na napupunta ang pera ko sa company ko para mas lalo itong lumago. As a comapny owner dapat alam mo yun para hindi bumabagsak ang company niyo." I smiled to Jayne. Kahit kailan ay mainit ang dugo niya sa'kin.
"May point si Elize," Jeco Mateo said. She's Eyra Felongco's boyfriend back in high school. Hanggang ngayon kaya sila parin?
Kung tama ang memorya ko. Apat ang cpouples sa room namin noon. Si Samuel at Jayne, Eyra and Jeco, Rey Tolentino at si Marie Laureta, and Jhon Patrick Lacos at si Thalia Sy. Sino kaya sa kanila ang stay strong?
"Bet ko yung island," Vince said. He's gay. Pati si Matty ay bakla rin.
"Same! Sa island nalang tayo," segunda ni Matty.
Isa-isa na silang pumayag hanggang sa si Jayne nalang ang hindi nag sa-salita. I looked at her and wait for her answer
"Fine." She rolls her eyes.
"May favor lang ako sa inyo." Napatingin silang lahat sa'kin.
"Ano yun?" Jeff Vergara asked.
"Wag niyo sanang sasabihin kahit kanino na kasama ako. Baka kasi sundan ako ng media and malaman ng ibang fans ko ang pupuntahan ko."
"Ano namang meron kung malaman nila? As if naman pupuntahan ka nila sa island mo, diba private yun," sarkastikong sabi ni Jayne.
"May stalker kasi ako recently. Nagpapadala din siya ng message sa'kin so baka sundan niya talaga tayo. Syempre you don't know the feeling, hindi ka naman kasi sikat." Nakarinig ako ng mahinang "ohh" mula sa mga ka-klase namin. "Si Rain, maiintindihan niya ako kasi model din siya." Tumingin ako kay Rain. Si Rain na never ko pang nakita sa mga sikat na magazine. Ingat na ingat pa naman siya sa katawan niya noong high school tapos hindi naman pala siya sisikat hahaha!
"Oo, nakakatakot talaga ang mga stalker." Tumatangong aniya.
"Para narin sa privacy ni Elize." Jeff said. I turned to face Jeff. Nakatingin rin pala siya sa'kin at bigla akong kinindatan. I just smiled at him and look at our other classmates.
"Thank you for being understanding. Don't worry, you can post pictures after the high school reunion," I said.
"So, okay na? Next week ang high school reunion natin at gaganapin ito sa island ni Elize. Saan nga pala tayo magki-kita kita?" Tanong ni Cheska sa'kin.
"You can go to Mall of asia para sabay sabay na tayong pumunta sa isla. Apat na van ang dadalhin ko para magkasiya tayong lahat at para hindi masikip. Lahat ba sasama?" Tanong ko sa kanila.
"Yes," sabay sabay na sagot nila sa'kin.
"Great. Okay naman na yung apat na van no? Or gusto niyo dagdagan ko pa ng isa?"
"Okay na yun," Julie answered.
"Okay."
Dumating ang mga in-order naming foods kaya kumain na muna kami
"May boyfriend ka ba ngayon, Elize?" Rey asked me.
"No comment," I answered.
After naming kumain inayos na namin ang lahat ng kailangan for
our high school reunion
"Here's the bill." Binaba ng waiter ang bill sa gilid
ni Jayne.
"Ako na--" Mabilis na pinutol ni Jyane ang sasabihin ko sana. "Ako na." Kinuha nito ang bill at tiningnan tapos kinuha niya ang wallet sa bag niya pero ilang segundo na ang nakakalipas ay hindi niya parin nahanap ang wallet niya.
"I s your wallet missing?" Inip na tanong ko.
"Naiwan ko ata sa bahay." Binaba niya ang bag niya.
Naiwan? Hahaha! I doubt! Baka wala lang siyang pambayad. Ang yabang kasi wala namang pera.
"How much?" I asked her.
"Sixteen thousand."
Kinuha ko ang wallet ko from my bag. Buti nalang may cash ako sa wallet ko. Kumuha ako ng seventeen thousand at nilagay ito sa loob ng leather kung saan nakalagay ang resibo ng kinain namin
"Sorry, but I have to go. Let's just see each other on Monday."
Before leaving the VIP room, I put on my sunglasses. Lumabas ako ng restaurant at sumakay sa kotse ko. Ano kayang mangyayari next week? Gosh, I'm so excited!
JAYNE'S POV
"Here's the bill." Binaba ng waiter ang bill sa gilid ko.
"Ako na--" Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya.
Tsk. Balak na naman ba niyang magpa-sikat? Kanina pa ako naiinis sa kaniya simula ng pumasok siya dito. Akala mo kung sinong mayaman. Attention seeker! Siguro nga naghanap lang siya ng matandang mayaman na malapit ng mamatay para yumaman siya. Malaki ang nagbago sa physical appearance niya pero para sa'kin siya padin yung nerd na ka-klase namin. She's so ugly.
Nang makita ko palang ang mukha niya kanina ay gusto ko na siyang patayin. Her business is the reason kung bakit malaki ang problema ko ngayon.
"Ako na." Ngumiti ako ng peke sa kaniya bago kunin ang bill sa kamay niya. Tiningnan ko kung magkano ang babayaran ko.
What the hell! Sixteen thousand?
Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang wallet ko pero hindi ko mahanap
"Is your wallet missing?" Inip na tanong niya sa'kin.
"Naiwan ko ata sa bahay," sagot ko at binaba ulit ang bag ko sa gilid ko.
"How much?"
"Sixteen thousand," I answered.
Kinuha niya ang wallet niya mula sa bag niya at naglabas ng maraming pera. Puro isang libo ang nilabas niya at sa dami nun sa tingin ko sobra pa yun sa bill namin
"Sorry, but I have to go. Let's just see each other on Monday," nakangiting sabi niya bago tumayo at umalis.
Palihim ako umirap. Mabuti naman at umalis na siya. Ang sakit niya sa mata. Kanina niya parin nilalandi si Samuel. Akala niya ba hindi ko alam kung ano ang gusto niyang gawin? Hindi porket nagkaroon siya ng pera ay makukuha niya na ang lahat.
"Grabe ang yaman niya na," amaze na sabi ni Joy.
She's Joy Olayres. She loves money, inshort mukha siyang pera. Noong high school kami ay madalas niyang kuhanan ng pera si Elyze.
Habang naglalakad kami sa hallway nakita namin si Joy at Elize na magkasama.
"What is she doing with the ugly nerd?" Tanong ni Cheska.
"Let's watch them," sabi ko a lumapit ng konti sa kanila. Nakatalikod sila samin kaya hindi nila kami makita.
"Elize, may pera ka diba?" Tanong ni Joy kay Elize.
"Wala," mabilis na sagot ni Elize.
"Anong wala, nakita ko nga kanina meron."
"Bakit nanghihingi ng pera si Joy kay Elize?" Tanong ni Rain.
"Oo nga? Wala ba siyang pera?" Tanong din ni Julie.
"Shh, manood nalang kayo," I shushed them. Masyadong maingay, hindi ko na marinig yung sinasabi ng dalawa dahil sa kanila.
"Joy wala nga. Tsaka bakit mo tinatanong?"
"Wag ka ngang nagsi-sinungaling sa'kin." Tinulak ni Joy si Elize. "Ili-libre mo ako ng lunch kung ayaw mong halungkatin ko yang bag mo," Joy warned her.
"Wala akong pera Joy."
"Ayaw mo talagang umamin?" Binuksan ni Joy ang bag ni Elize at kinuha ang wallet nito.
"Joy anong ginagawa mo. Wallet ko yan." Pilit hinahablot ni Elize ang wallet niya pero tinaas lang ni Joy ang kamay niya at lumayo kay Elize para hindi nito makuha ang wallet niya.
"Tingnan mo, may one fifty ka naman." Kinuha ni Joy ang laman ng wallet ni Elize at binato dito ang wallet na kinuha niya bago siya maglakad palayo.
"Joy! Akin na yan." Hinabol ni Elize si Joy pero hindi siya pinansin ng ka-klase namin.
Malakas akong tumawa kaya napatingin sa'kin si Elize.
"Aww, kawawa ka naman," pang-aasar ko pa sa kaniya lalo. "Buti nga sayo."
Inasar din siya ng mga kasama ko pero hindi ko na yun pinansin at umalis na.
"Sa tingin niyo bakit niya kinuhanan ng pera si Elize?" Tanong ni Ariel.
"Baka naubos ang allowance. You know naman, magastos tayong mga babae," Matty said.
"Hindi ka babae Matty at hinding-hindi ka magiging babae," sabi ko sa baklang kaibigan ko. Ang feeling niya talaga minsan.
"Paano kaya siya biglang yumaman no?" Tanong ni Julie.
"Imposibleng galing lang sa pagsisikap niya ang pera niya. Baka nag asawa siya ng matandang mayaman then pinatay niya to get his money," I said.
"Totoo ba? Paano mo naman nalaman Jayne?" Tanong ni Rain sa'kin.
"Just shut up Rain," sagot ko sa kaniya.
"Why?" Naka-pout na tanong niya.
Ang hilig niyang magpa-cute hindi naman bagay. She looks like a fish, catfish to be exact.
"Di ka parin pala nagbabago Rain," nakangising sabi ni Rey.
"Ganda lang," Joseph laughed. He's Joseph Uy, kilala ang family nila sa business world pero may usap-usapan na may hinaharap na problema ang company nila ngayon.
"Pa-score naman Rain," ani ni Jeff.
"What's pa-score means?" Clueless na tanong ni Rain.
"Ang boba mo talaga," umiiling na sabi ni Matty.
"Anyway..." Napahinto sila ng mag salita ulit ako. "We should investigate her. Baka mamaya galing sa masama yung pera niya right?"
Alam ko namang gusto din nilang makita ang pagbagsak ni Elize para asarin ito.
"Malay niyo pinaghirapan niya talaga yun," singit ni Kiya.
Tumaas ang kilay ko because of what she said. "Can you stop being a two-faced b*tch? Alam naman naming lahat na you don't like her too and you only use her for your own good," I sarcastically said.
Hindi siya nakaimik at yumuko nalang
"So, who's with me?" Tanong ko sa kanila.
Nagtaas ng kamay sila Julie, Cheska, Matty, Ariel at Vince. Tumingin ako kay Rain at tinaasan siya ng kilay
"Ako din." Bigla niyang tinaas ang kamay niya.
I smirk, good girl. "Sila lang ba?" Tanong ko sa iba pa naming ka-klase.
"Bahala na kayo diyan," sagot ni Jeff.
"Masyado akong busy sa business ko," mayabang na sagot ni Jp.
Hindi rin pumayag ang iba pa naming ka-klase kaya nainis ako. Kung ayaw nilang makisama e'di huwag! Para namang hindi sila makikinabang sa gagawin namin. Big scandal sa business industry kapag lumabas na tama kami ng hinala, na galing sa sugar daddy or sa illegal na bagay ang yaman ni Elly
"After na ng reunion natin pag-usapan ang gagawin natin," I said. "I have to go. Marami pa akong papers na kailangan i-sign." Kinuha ko ang bag ko at naglakad na palabas.
Pagdating ko sa parking lot sumakay agad ako sa kotse ko at pina-andar ito paalis sa restaurant. Bakit kasi inalis nila mommy yung driver ko! Ako tuloy ang nag dri-drive for myself.
Pagparada ko ng kotse ko bumaba agad ako at pumasok sa loob ng kumpanya
"Magandang hapon po."
"Good afternoon po ma'am Jayne."
Hindi ko pinansin ang mga pagbati nila sa'kin. Diretso akong naglakad papunta sa elevator. Lahat ng empleyadong pumasok sa loob ng elevator ay lumabas ng makita ako. They know that I don't like na may kasabay sa elevator. Nakakadiri kasi, ambabaho nila and punong puno pa sila ng germs sa katawan
Nilabas ko ang alcohol mula sa bag ko at nag spray sa pindutan ng mga floor. Binalik ko ang alcohol sa bag ko at kumuha ng wipes, ginamit ko itong pang pindot ng floor kung nasaan ang office ko
Pagbukas ng elevator ay lumabas na agad ako. Hindi ko na pinansin ang mga bumabati sa'king empleyado, diretso akong naglakad papunta sa office ko which is nasa dulo ng floor na to. Pag pasok ko nakita ko si mommy na nakaupo sa swivel chair ko.
"What are you doing here mom?" Tanong ko sa kaniya.
Naglakad ako papalapit sa lamesa ko at binaba ang bag ko.
"Gusto kong makita ang kalagayan ng kumpanya."
"Okay naman po ang lahat," kalmadong sagot ko.
"Anyway, hindi ba tayo pwedeng mag hire ng driver ko?"
"Alam mo namang kailangan nating mag tipid diba? Kaya nga binenta na natin ang iba nating properties para hindi tayo tuluyang
ma-bankrupt."
DISCLAIMER: Kung may naapakan man pong dignidad or tao sa story na ito pasensya na. Kailangan po kasi yun para mas lumitaw ang kasamaan ng mga characters at mas lalo kayong mainis sa kanilang ugali.
Thank you for reading, keep safe. Stay at home and always wear your
facemask. I love you all!