ISAGANI PANSIN ko na tahimik lang si Vanna mula ng umalis kami sa mansyon hanggang makarating kami dito sa farm kani-kanina pa. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Hindi ko na rin kasi maintindihan ang nararamdaman ko na para sa kanya ngayon. Pilit akong nag-focus sa trabaho ko dito habang panay naman din ang turo ko sa babae kung hanggang saan ba ang hangganan ng nasasakupan nila na lupa na halos hindi na rin naman maabot ng tanaw naming dalawa. Alam kong may problema sa kanya dahil panay tango lang ang naging sagot ni Vanna sa akin Dahil naman doon ay pakiramdam ko dapat akong humingi ng tawad sa ginawa kong paghalik sa kanya ng walang babala o paalam. Nang madaanan na naming dalawa ang parte ng farm na halos walang mga trabahante ay huminto ako ag

