LIGHT's POV Nag madali akong tumakbo papunta sa lugar kung nasan si Summer dahil sa nangyayari. Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko agad si Queen Felicity sa gilid ni Summer habang si Summer ay naka upo at ang ikinalaki ng mata ko ay ang mga itim na usok bumabalot sa paligid niya. Bigla akong kinabahan. Ito na ang kinatatakutan ko! Nangyayari na ang sinasabi noon ni Lola at Lolo. Nagmadali akong lumapit kay Summer at hinawakan siya sa magka bilang braso. "Light. Hindi ko mapigilan ang Alas. Masyado siyang malakas."sabi ng Reyna. Mas lalong lumakas ang ulan mula sa labas at ang sabay na tunog ng kulog at kidlat. Isama pa ang walang tigil na pag lindol. Tuluyan na akong lumapit kay Summer. "Summer?"tawag ko sa kanya. "Summer. Tigilan mo na toh. Tama na! Naririnig mo ba ako? Imulat m

