LEIFER's POV Agad akong lumapit kay Summer at Light nang mapansin na nawalan na ng malay si Summer. Tinulungan ko si Light na alalayan na mabuhat ang alas. Kahit ako ay indi ko din maipaliwanag ang mga nakita ko kanina. Hindi ko aakalain na ganon pala kalakas si Summer pero isa lang ang napansin ko-- bakit parang ibang Summer ang nakikita ko sa kanya kanina nung nakikipag laban siya? Dapat bang ikatuwa yun o dapat bang ikabahala? . . LIGHT's POV Nasa harap lang ako ng kama ni Summer habang binabantayan ko siya na mahimbing lang na natutulog. Hinahawi hawi ko lang ang buhok niya ng bigla na lang sumulpot sa gilid ko si Mabby. "Nakakagulat ka naman."sabi ko sa kanya. "Pasensya na! Sarado kasi yung pinto, ayaw ko namang kumatok kasi baka magising lang ang alas."sabi niya at medyo l

