FLASHBACK Nang biglang hinigit ni Christ si Ada palapit sa kanya ay bigla namang nakita ni Ada ang kwintas na suot suot niya . Napa kunot ang noo niya pero alam niya na nakita na niya noon ang kwintas na yun. At alam niya kung anong nagagawa ng kwintas na yun sa nag susuot nun. Dahil alam niyang pangontra yun. "Ang ganda naman ng kwintas mo. Pwede mo bang hubarin yan para sa'kin?"tanong ni Ada. Napatayo naman agad si Christ sa kanyang pinagkaka upuan at napalayo kay Ada habang hawak hawak niya ang kwintas. "Ahh. Ehh. Hindi pwede."sagot ni Christ. "Sige. Okay lang, wag mo ng hubarin."sagot pa ni Ada at lumapit na kay Christ. Pero nabigla si Christ nang agad itong higitin ni Ada mula sa leeg niya. "SINONG NILOKO MO?! AKALA MO DIKO MALALAMAN NA PINAG LALARUAN MO LANG AKO?! MGA ALAGAD

