CHRIST's POV Nandito lang ako sa loob ng kwarto kung saan ibinigay sa'kin ng Ada na yun. Wala akong bantay dito sa loob pero alam kong may nag babantay sa labas. Napa ikot ko siya sa plano ko kaya pinakawalan niya ako mula sa pagkaka gapos ko dun sa isang madilim na kwarto. Hindi naman ako nahirapan na mapasunod siya. Mukhang may gusto nga talaga sa'kin ang masamang bampira na yun. (Grabe ang angas mo Christ, may nag ka gusto na naman sayong Bampira. Hahaha.) Pero ang pinagtataka ko lang, bakit hindi nila nababasa ang iniisip ko gaya ng ginagawa noon sa akin ni Summer? Nag tataka talaga ako. Tumayo ako at nilibot ko ang buong kwarto kung saan nag hahanap ako ng pwedeng labasan. Alam kong imposible na makatakas ako dito sa lugar na to pero wala namang masama kung susubukan ko. . Pa

