"Sierra, we need another batch of sleeping pills!" panicked na sigaw ng isang nurse kay Sierra na nasa Nurse's Station kasama sila Mystina at Stellar.
Napakamot sa ulot si Sierra sabay pakita ng walang lamang kahon, "Ubos na ang stocks natin! Pati ung sa ibang pavilions nakuha na natin... wala na ba talagang paraan dyan?"
"Naku Sierra! Kung hindi nga lang ako nanghihinayang sa mukha nun ay matagal ko na syang pinagkakalmot! Nag ta-tantrums na naman!" panaghoy ng babaeng nurse na umubob na sa desk.
Huminga ng malalim si Stellar at binuklat ang dalang folder, "Regression ang nangyari sa kanya. Sa sobrang trauma, bumalik ang isip nya sa pagkabata."
"E ano ngayon kung alam namin? Kung napunta ka na lang kaya dun sa halip na naka-display ka dito!" sabi sa kanya ni Mystina sabay harap sa kasamahan sa kitchen, "Hoy Rodolfo, nadala mo na ba sa loob yang pagkain?"
"A... e... hindi pa Ma'am..."
"Pag-hindi mo pa nadala yan, ikaw ang isasangag ko. Hala! Larga!" taboy nito sa lalaki sabay tulak palayo ng kanyang food cart papunta sa ibang room na hindi pa na-de-deliveran ng tanghalian.
"Nalaman ko kasi na may papalit na pala sa trono ko pag-alis ko dito. Isang maganda at desididong babae na mas magaling sa akin..."
Biglang naalala ni Stellar ang huling sinabi sa kanya ni Aixel kahapon... Laking gulat nya pag-pasok kaninang umaga ng malaman nyang nag-resign na pala ito dahil ipapadala na ito sa ibang bansa.
Huminga ng malalim si Stellar at inilagay sa dibdib ang folder na hawak. Lumakad sya derederetso sa kwarto kung saan naka-confine ang pasyente nya.
Pag-bukas na pag-bukas nya ng pinto ay isang libro ang sumalubong sa kanyang noo. Napaluhod sya sa hilo at kinapa-kapa ang kawawa nyang noo. Naramdaman nyang may parang basa at ng tingnan nya ang kamay nya ay nanlaki ang mata nya ng makakita sya ng dugo.
"Blood..." narinig nalang nya ang boses ng isang lalaki.
Tumingala sya at akala nya ay nasa langit na sya. Isang mukha ng anghel ang tumitingin sa kanya.
Lumuhod ito sa tapat nya at pinunit ang suot nitong t-shirt at itinali ito sa palibot ng ulo nya.
"I'm sorry... Don't be mad..." ungot nito sa kanya sabay tungo. Maya-maya pa ay nakita nya na may luha ng napatak sa hita nito. Saka lang natauhan si Stellar at naalala kung nasaan sya.
"I'm---I'm not mad... Can you stand up?" tanong nya dito sabay inabot nya dito ang kamay nya. Kinuha naman nito agad at dali-dali ding tumayo sa harap nya.
Six footer na si Stellar, salamat sa height ng Daddy nya pero kailangan parin syang tumingala sa kaharap nya. Sa edad na nineteen ay matangkad na sya, pero iba talaga ang tangkad ng mga pure-blooded foreigners.
"Do I smell? I can change clothes now... Wait..." sabi nitong bigla sabay isa-isang sinimulang hubarin nito ang damit na suot.
Nanlaki ang mata ni Stellar at dali-daling pinigilan ito, "Oh...teka! I mean... wait! Kasi... Uhm... You don't smell at all, just put your clothes back on and sit down on your bed ok?"
Tumalikod siyang bigla at huminga ng malalalim. Hindi na virgin ang mata nya. Ilang taon syang niloloko nj Mystina na hindi pa nakakakita ng hubad na lalake pero pinagmamalaki nya iyon. Pero ngayon... panghabang-buhay nang nawala ang kainosentihan ng mga mata nya sa nakita... Pero... Worth it naman...
"I'm finished... you can look now..."
Humarap sya dito at nakita nyang naka-upo na ito sa kama habang nakayakap sa binti nito. Kumurap-kurap si Stellar at pinilit wag pansinin ang kagandahang lalaki ng kaharap nya.
"Professionalism Stellar... Pasyente mo ang kaharap mo... Be calm, cool and collected" bulong nya sa sarili nya habang lumalapit sya dito.
Umupo sya sa upuan sa harap nito at nilabas ang kanyang notebook at ballpen. Inalala nya ang guide questions at nagsimulang magtanong habang maganda pa ang mood ng kaharap nya na pangiti-ngiti sa kanya na parang bata.
"What's your name?"
"Drei Alcor von Tross!" malakas na sagot nito na parang elementary student lang na sumasagot sa recitation.
Napakamot ng ulo si Stellar, "von Tross?"
"That's my middle name..."
"Ahh... may pa von-von pang nalalaman... pwede namang T. nalang!" sambit nya ng mahina.
"What did you say?" takang tanong ni Drei sa kanya.
Awtomatikong ngumiti si Stellar at ngumiti, "Ahh... ehhh... it's nothing. Anyways, how did you get here? Do you remember?"
Napatingin si Drei sa kisame na tila may inaalaala, "Hmmm... the doctor told me I need to stay here for a while so I can rest and be back to my country..."
Ahhh... Magaling yung doctor nya... sinakyan ang pag-regress sa kabataan ng pasyente kaya madaling nakausap...
"You're very pretty... Are you a princess?" tanong nitong bigla.
Natigalgal si Stellar at hindi agad nasagot ang tanong. Napatingin na lang sya sa maamo nitong mukha na inosente at walang kamuwang-muwang sa mundo.
Nag-panggap na may ubo si Stellar at pasimpleng umubo, "Why, thank you Drei. Next, Who brought you here?"
"The nurses..."
"When is that?"
"Last week I think?"
"Do you know the nature of this place?"
"Yeah... for the ones who have illness here..." sagot nito sabay turo sa utak.
Napaawa sya sa itsura nitong mukhang inosente talaga sa nangyayari sa paligid nya, hay buhay...
"Do you think you have mental illness?" maingat na tanong nya... ito yung tanong kung saan dapat nang mag-handang tumakbo ang psychologist at tumawag ng tulong.
Mukhang tama ang kutob ni Stellar at nag-simula na ngang mangasim ang gwapo nitong mukha at tiningnan na sya nito ng masama...
Patayo na sana si Stellar at tatakbo na papunta ng pinto ng bigla itong humikab at ngumisi sa kanya, "You're questions are boring! I will ask you questions instead..."
Bago pa siya makasagot ay bigla nitong kinuha ang kanyang yellow pad at pumingas ng isang papel, "Let me guess... your favorite flower is..."
Mabilis na pinutol at tinupi-tupi ang papel, wala pang isang minuto ay inabot nito sa kanya ang paborito nyang bulaklak gawa sa papel.
"Sunflower... a person who loves to just stare at something or someone beautiful. Someone who knows how to appreciate simple things around themselves..." sabi nito sabay kuha sa dalwang kamay ni Stellar at ipinatong dito ang bulaklak.
Bago pa siya makaimik ay itinalukbong nito ang kumot nito sa sarili, "I'm getting sleepy. Come back again tomorrow... I'll wait for you..."
Hindi natigalgal si Stellar sa kinauupuan habang hawak niya ang bulaklak sa dalwa nyang kamay. Ang lalaki ang unang nag-bigay sa kanya ng bulaklak. Sa sobrang aloft nya at distant, kasama narin ang tangkad nya at taray ng kanyang ama ay walang nakapangahas mag-regalo man lang sa kanya na lalaki ng kahit ano. Pero, eto isang pasyente pa nya ang nag-bigay sa kanya...
Wala sa sariling binuksan ni Stellar ang pinto pero biglang parang may nauntog dito.
"Aray-aray anu bayan! Ang sakit ha?!" reklamo ni Mystina habang hinihimas-himas ang noo.
Si Sierra naman ay napaupo sa sahig. Halatang nakikinig ito sa usapan nila ni Drei sa loob ng kwarto.
"Kung di ba naman kasi mga tsismosa! Magsi-ayos nga kayo dyan! Work hours pero hindi kayo nag wo-work! Mga salot sa lipunan!" sabi nya sabay talikod sa mga ito.
"Eto naman! Salot agad?! Di ba pwedeng magaganda muna?" sangat ni Mystina habang sumabay sa kanya sa pag-lalakad pabalik sa Nurse's Station.
Tumango si Sierra at itinuro ang relo, "F.Y.I Ma'am Stellar, kaka-break-time lang kaya namin o! Three-o'clock na kaya! Tsaka wala naman kami nakinig! Ang naabutan lang namin ay yung sabi nya na tutulog na sya!"
"Teka ate napaano yang ulo mo! Bat may parang benda?" takang tanong ni Mystina sabay turo sa kanyang ulo.
Napatigil sya sa paglalakad at kinapa-kapa ang noo. Nakalimutan nyang tanggalin ito bago lumabas ng kwarto. Umiling na lang sya at lumakad na ulit.
"Wag ka nang magtanong at bumalik ka na sa kitchen Tinay! Madami ka pang papakainin!"
Umingos si Mystina at dumila, "Hmph! Humanda ka samin sa boarding house pag-uwi natin mamaya!"
"Pagkatapos na pagkatapos ng Kailangan Ko'y Ikaw ay pagkwe-kwentuhin ka namin ng bonggang-bongga!" banta ni Sierra sabay hatak kay Mystina at iniwan na lamang syang lutang habang naglalakad pabalik sa kanyang opisina, hawak-hawak ang papel na bulaklak.
-0-
"Hayop ka talaga Margoldilocks! Inaway mo na naman si Celinderella! I hate you!" galit na hiyaw ni Sierra sa t.v sabay subo ng hilaw na mangga.
"Wag mo nga ganyanin si Margoldilocks ko! Misunderstood lang talaga sya! Buti na lang nandyan si Papa Ethan! Ay ang gwapo syet!" sigaw ni Mystina ng lumabas ang paborito nitong leading man sa isang eksena.
Umiling-iling si Stellar sabay sabing, "Bakla naman yang si Enchong e!"
"Hindi bale! Crush ko parin sya! Hay! Ay teka nga! Nasan ba yung mani na yun? Hah! Eto!" sabi ni Mystina pagkahalungkat ng bag nito.
Dahan-dahang umalis si Stellar sa likod ng mga ito at dumeretso na sa kwarto. Buti nalang at libang na libang ito sa kwento ng magulong buhay ni Angelica Panganiban sa Apoy sa Dagat. Hindi nya masisisi ang mga ito. Destressing time na nila iyon pagkatapos ng isang araw sa Mental Hospital.
Bumuntong hininga sya sabay tingin sa papel na sunflower sa bedside table nya. Hindi parin nya makalimutan ang hitsura ni Drei habang seryosong nangagawa ito ng bulaklak. Bumalik talaga ito sa pagkabata...
"Sana wag na lang siyang gumaling"
Sinapak nya ang sarili nyang ulo at umiling. Kung anu-anu na ang naiisip nya. Psychologist sya at binabayaran sya para mag-pagaling ng problemado. Isa pa... die trying daw para gumaling ito. Mukhang importante talaga ito... Prince Charming?
-0-
"Oh? Aba'y dahan-dahan sa pag-takbo! Baka malaglag yang nasa sinapupunan mo!" paalala ni Stellar sa Head Nurse nilang buntis na pawisang pawisan sa pagtakbo nang humarap sa kanya sa Psychologists Office.
Busy sya sa pang-gagawa ng psychological report at iba pang paperworks ng bigla nalang dumating si Mrs. Egamino na parang nag-lalabor na base sa pag-mumukha nito.
"Ma'am, yung pasyente nyo po nag-wawala na naman! Hinahanap po kayo Ma'am. Tuturukan na po ba namin ng valium?"
Biglang napatayo si Stellar at nagsimulang lumakad papunta ng pinto, "I'm not a psychiatrist to tell you what drugs you have to administer, but please, wag nyo na muna syang turukan o painumin ng kung ano-ano. Ako na ang bahalang mag-handle sa kanya."
Nakasalubong ni Stellar si Mystina na mukha din problemado.
"Oh ano? Hindi ka natunawan sa kinain mo?" pabirong tanong niya dito.
Binatukan sya nito at itinuro ang room kung saan nagkakalibumbungan ang mga nurse, "Sira ka! Pa-joke-joke ka pa diyan e nag-wawala na ang fafa mo!"
Naalala nya ulit kung bakit sya nag-mamadali at sumibad sya agad papunta sa room ni Drei.
"Where is she? Where is she? I told her to come here again? Where is she?" paulit-ulit na tanong ni Drei ng makarating sya sa bungad ng pinto.
Nakita na lamang nya ang nakakaawa nitong hitsura. Mangiyak-ngiyak na ito habang kapit-kapit sya ng mga nurse na pinipigilan sya sa pag-wawala.
"Please wait for a while sir. Ms. Stellar is on her way..." panic na sagot ni Sierra habang hawak nito ang kamay ni Drei.
Huminga ng malalim si Stellar at pumasok na sa kwarto, "Drei, I'm here. Calm down now."
Nang makita sya nito ay lalo itong nag-pupumiglas hanggang sa mabitiwan sya nila Sierra at dali-dali itong pumunta sa direksyon nya at walang anu-ano'y yumakap sa kanya ito at bigla na lang umiyak ng tahimik.
"Ay... ano na ba yan? Este... Drei? Calm down now allright? I'm here, why don't you lay down on your bed for a while ok?" sabi nya dito habang tinatapik-tapik nya ang likod nito.
Sumunod naman ito pero nakahawak sa kanya ang kaliwa nitong kamay, siguro'y naninigurado na hindi sya aalis.
"Naku Ms. Stellar. Ikaw na bahala dyan! Kaka-hagas! C'mon people. Iwan na natin itong dalwa!" sabi na lamang ni Sierra at lumabas na ito kasama pa ang ibang kasamahang nurse na minamasahe ang kanya-kanyang balikat at likod.
Ng maisara na ng mga ito ang pinto ay umupo na rin sya sa tapat ni Drei na ngayon ay kuntentong nakahiga at nakangiting nakatingin sa kanya.
"Drei, don't do that again ha? You musn't throw tantrums like that or you will stay here longer than you have to." babala nya dito.
Pero sa halip na matakot ay umiling pa ito at ngumiti lalo, "It's ok, if it means you will always take care of me..."
Nagulat si Stellar sa sinabi nito pero tinago nya ang kanyang emosyon sa likod ng blankong mukha, "You don't belong here Drei... Don't you miss your family? How about your father and mother, hmm?"
"I miss them... Stacie, Travis and Louise too... Aunt Kady and Uncle Trevor." Malungkot na sabi nito.
"See? You have to get better if you want to see them again. You have to be strong and cooperative. I...este We are here to help you Drei... Just help yourself too..." seryosong sabi ni Stellar.
May idudugtong pa sana siya pero hindi na niya naituloy ng may iabot na naman sa kanya itong papel na sunflower.
"I wanna make you smile... whenever your sad..."
"Carry you around when your arthritis is bad..."
"All I wanna do..."
Kumakanta ito sa kanya habang inilagay sa kanyang mga kamay ang bulaklak at tumingin ng deretso sa kanyang mga mata.
"Is grow old with you..."