CHARLOTTE POV
I will be lying kung sasabihin ko na hindi nakaapekto sa akin ang narinig ko kagabi mula kay Sarah, because it did affected me. When she mentioned na regalo iyon dapat sa akin ni Hiro noong anniversary namin, I thought of the last anniversary we shared together before parting our ways. That time, no matter how hard we tried to force ourselves to be okay, to be happy, we can't. Hindi na namin kinaya—hindi ko na kinaya.
Sinipa ko ang shell na nakita ko sa dalampasigan habang naglalakad-lakad ako at binabaybay ang kahabaan ng beach ng Club Paradise kahit pa napakalamig ng panahon dahil madaling araw pa lang. Hindi ko rin kasi nagawang makatulog nang maayos sa dami ng tumatakbo sa isip ko. There were questions and a lot of what ifs after another what ifs. Nagpapatong-patong ang mga 'yon and I couldn't calm myself.
There were instances na nagsisisi ako na narinig ko pa ang mga bagay na 'yon because knowing myself, I won't stop until I get the answer as to why he didn't give it to me, as to what stopped him from doing that. Dahil ba sa nakita nito na hindi na rin maaayos ang sa aming dalawa kaya ba hindi na nito sinabi sa akin ang tungkol doon? On the other hand, if he told me about it, ano bang magbabago sa aming dalawa? Will that change anything kung nalaman ko ang tungkol doon?
Nilatag ko sa tabi ng dagat ang scarf na dala-dala ko at saka ako umupo roon para tanawin ang araw na papasibol na. Bahagya akong napangiti. Sunrise symbolizes a new beginning or a new start.It's as if the mistakes of yesterday or the pain of the past should be forgotten, it's as if one should forgive his or herself. It would have been more meaningful kung talagang handa na rin ako sa panibagong simula. But forgiving is a harder fight lalo pa sa kagaya ko. Hindi ko alam kung sino ang una kong patatawarin. Kung si Hiro ba o ang sarili ko muna.
Ipinikit ko ang mga mata ko at saka dinama ang malamig na simoy ng hangin at ang unti-unting pagtama ng araw sa balat ko. Muling sumilay ang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang isang partikular na bagay na mula sa nakaraan.
Napabuga ako ng hangin nang makaupo ako sa isa sa mga school bench sa may kabilang side ng quadrangle. I looked at my wrist watch at nakita kong alas sais trenta palang nang umaga. 7:30 pa ang unang klase ko kaya minabuti ko na rin munang mamahinga dahil napagod ang binti ko sa paglalakad nang mabilis para makarating sa school. I groaned a bit nang maramdaman ang sakit sa ulo ko.
I stayed up hanggang 1:30am para aralin ang Labor Law dahil baka magkaroon kami ng recitation bigla tungkol doon. Memorizing things aren't my favorite thing to do in college, mas gusto ko iyong mga practical activities kung saan ay naaapply namin ang kung anong natutunan namin sa mismong kurso namin, but I don't have any choice.
"Hey," anang isang tinig mula sa likuran ko kaya napalingon ako rito. In there, I saw the guy na nakabanggaan ko last time. His name's Hiro dela Vega if my memory serves me right. "Am I bothering you?"
Umiling ako. "Hindi naman. Why?"
Nakita ko kung paanong napakamot ito sa batok niya bago naupo sa kabilang bench na malapit sa akin. Nakasuot ito ng university jacket niya at isang sweat pants. Panigurado ring on going ang morning exercise nila dahil iyon naman ang routine nila kada umaga so I don't have an idea as to why he's here at nakikipag-usap sa akin. Paniguradong mapapagalitan siya ng coach nila kapag nakita itong nakatambay lang dito.
"I have to ask you something, Cha," aniya.
"Shoot."
"We have this athlete's party next, next week and..." he paused as he cleared his throat, "and I was thinking of making you...as my..." he breathed, "date. Of course if that's okay with you."
Nangunot ang noo ko dahil sa imbitasyon nito. Why me? I mean, if I am not mistaken, marami namang babae sa Architecture department at kung "fans" lang naman ang pag-uusapan, he has a lot of it, silang dalawa noong tropa niyang si Caleb and even the guy whom I think is also his friend. One more thing, why would he want to go with me? Iilang beses pa lang na nagkakasalubong ang landas namin. He doesn't even know much about me, as I am for him.
"Bakit ako? Naubusan kayo ng babae sa department ninyo?" tanong ko sa himig na nagbibiro. "I mean, sorry for asking pero why would you ask someone like me to be your date? Ni hindi mo nga ako gaanong kilala."
"That's the reason why I am inviting you to come with me," aniya. "I want to know you more, Cha," he added straightforwardly. Natigilan ako nang marinig ko ang bagay na 'yon. Paniguradong kahit na sinong nasa posisyon ko ay magiging iba ang interpretasyon sa mga sinabi niya. He wants to know me more at iisang bagay lang ang naiisip kong pwedeng rason kung bakit, pero on the other hand, alam ko ring pwedeng ilusyon lang ang naiisip ko.
"Hoy! Hiro! Kanina pa kita hinahanap na kupal ka, galit na si coach, gago!"
Nailayo ko ang tingin ko nang makarinig ng boses sa hindi kalayuan. Si Caleb iyon at palapit ito sa direksyon namin. He's wearing the same uniform na kagaya ng kay Hiro and that confirms it, on going nga ang training nila.
"Ang aga-aga nanchichiks ka—" natigilan sa pagsasalita si Caleb nang mukhang namukhaan na ako nito. "Ikaw pala 'yan, Cha. Inuuto ka na naman ba nitong kaibigan ko? Pasensya ka na ha, wala talagang matinong sinasabi 'tong kupal na 'to—aray!"
Natawa ako nang bahagya dahil sa eksenang nakikita ko. Hindi na rin bago sa akin na kilala na ako ni Caleb. Simula no'ng nangyari ang insidente sa pagitan namin ni Hiro, everytime na nasa department nila kami at nagbebenta, nakikikuha ito at sinasabing si Hiro na ang bahalang magbayad. Not to mention na kaibigan ko ang patay na patay sa kaniya.
"Sorry, Cha, pero puputulin ko muna paglalambingan ninyo ng kaibigan ko kasi hinahanap na siya ni coach at kapag wala pa si Hiro sa squad exercise by ten minutes, magti-30 laps ang kupal na 'to ngayong araw."
Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko dahil sa term na ginamit ni Caleb. Malinaw pa sa malinaw ang sinabi nito na "paglalambingan" daw namin ng kaibigan niya. Do we look like we're doing such thing?
"Ayos lang, may sinabi lang naman siya so..."
"When you're ready, message me," ani Hiro at saka tumayo. Nginitian pa ako nito at saka niya bahagyang ginulo ang buhok ko.
Napatingin pa ako sa likuran nila ni Caleb nang magsimula silang tumakbo. Binabatukan siya ni Caleb at pinaghahampas sa braso niya. Nang tuluyan na silang makaalis ay roon lang tumunog ang cellphone ko. I checked it dahil baka message iyon ni Annaisha but I was stunned when I saw that Hiro added me. Napabuntong-hininga ako at saka inaccept iyon. Tumayo na rin ako at saka naglakad papunta sa department namin dahil ayokong mahuli sa klase. Minessage ko na lang si Annaisha na papunta na ako sa classroom.
Mabilis na lumipas ang araw para sa akin—sa amin nina Annaisha dahil sa dami naming ginagawa. Nawala rin sa isip ko nitong mga nakaraang linggo ang pag-aaya ni Hiro sa akin sa magiging party nila. Ngayon ko na lang nagawang maalala ang lahat dahil ngayon lang kami medyo nawalan ng ginagawa. Hindi rin alam ni Annaisha ang tungkol sa pag-aaya ni Hiro sa akin. Wala akong lakas ng loob sabihin at pakiramdam ko rin ay hindi ko na dapat na sabihin pa. As much as possible, mas gusto ko muna na kami lang ni Hiro ang nakakaalam. After all, I don't think I can go to that party with him.