CHARLOTTE POV
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na makakasabay namin si Hiro?!" may diing saad ko kay Annaisha na kausap ko mula sa kabilang linya. "Kung alam ko lang nandito siya at magkakasabay kami, hindi na sana ako pumunta!"
"That's exactly why I didn't tell it to you, kasi alam ko na hindi ka pupunta kapag nalaman mo na kasabay mo si Hiro," aniya. "Besides, Caleb informed me too late. The day before your flight, saka ko lang din nalaman na nagbago ang desisyon ng isang 'yan. Believe me, Cha, wala akong intensyon na ilagay ka sa alanganing sitwasyon but my hands were tied."
Napahilot ako sa sentido ko dahil sa naging paliwanag ni Annaisha. Kahit pa sabihing biglaan niyang nalaman ang kay Hiro, she could've informed me. At least, kahit papaano, mapaghahandaan ko ang paghaharap naming dalawa. Not like this. I...am not ready to see him.
"Anong sabi ni Annaisha?" pasimpleng tanong sa akin ni Mikay. Kanina pa lang mula no'ng makabalik ako ay bakas na sa mukha at tono nito ang pag-aalala. Maging siya ay nagulat din sa pagsulpot ni Hiro. "Kung malapit lang ang Manila, iniuwi na kita."
"I'm fine," saad ko. Napatingin ako sa likod ng lalaking nakatayo sa hindi kalayuan sa amin. Kung hindi ako nagkakamali ay ang magdadala ng bangka ang kausap niya. Kung gaano ko ito kabilis na tinignan ay gano'n din kabilis ang naging pagbawi ko ng tingin ko nang maramdaman ko ang kung anong kumurot sa aking dibdib. He's still the same, but unlike me, paniguradong nakamove on na ang isang 'to. It shows sa kung paano nito kayang kausapin ako sa kaswal na paraan.
"Ma'am, tara na po," tawag sa amin noong si kuya Eddie at saka muling kinuha sa amin ang mga maletang hawak namin para isakay ang mga iyon sa bangka.
Wala akong ibang ginawa kundi ang tumayo nang malayo mula kay Hiro at huwag siyang tignan. Things like this could've been avoided kung talagang nasabihan lang ako ni Annaisha. One of my goals is to freshen' up my mind yet magiging imposible na ang bagay na 'yon ngayon.
"Dahan-dahan lang po," ani noong bangkero sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko. Medyo makitid ang hagdang dinadaanan namin papunta sa bangka kaya ingat na ingat din ako sa bawat hakbang ko.
"Here, let me help you," anang isang tinig, and the last thing I knew, Hiro's holding my hand. I rolled my eyes as I gritted my teeth. Buong lakas kong binawi mula sa kaniya ang kamay ko. Tila natigilan naman ito sa ginawa ko.
"I can handle myself," I said with a cold voice at saka nagtuloy-tuloy sa upuan na nandoon. Pakiramdam ko ay may kung anong sasabog sa loob ko, hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa inis. Ano na naman itong ipinapakita niya sa akin? Bakit kailangan niyang maging ganito? Ano 'to, all of a sudden ay may amnesya siya at hindi niya maalala ang nangyari sa pagitan naming dalawa?
"Hey, kalma," bulong sa akin ni Mikay at saka ito naupo sa tabi ko. "Remember, nandito ka sa Palawan para mag-unwind. Stop stressing yourself over him. Hangga't kaya, ikaw na ang lumayo, ha?"
Napabuntong-hininga ako at saka tumango. Kahit ano naman kasing gawin ko, whether I like it or not, isang buwan ko ring makakasama si Hiro sa isla. For the sake of Annaisha and Caleb's wedding, I'll try to remain my composure. Ayoko ng gulo, not here, not right now. Hindi ito ang lugar para magkasalubong kami ni Hiro ng samaan ng loob.
Walang nagsasalita sa amin sa buong byahe kaya tanging ingay lang ng makina ang maririnig. Nanatili lang din sa dagat ang mga mata ko dahil kapag nagkamali ako ng galaw ay makikita ko si Hiro na nasa kabilang upuan lang na katapat ng akin. Si Mikay naman ay ramdam ko na ang pagsandal sa likuran ko kaya malamang ay tulog na rin ang isang 'to. Ayoko na ring abalahin pa siya dahil siya naman ang mas maagang nagising sa aming dalawa bago kami bumyahe dahil kailangan nitong maghanda ng makakain.
Nang makalayo na kami sa bayan ay naging medyo malalaki na rin ang alon. Sinabihan naman kami ng bangkero na huwag kaming kakabahan dahil normal lang daw sa lugar iyon. Rest assured daw na makakarating kami nang maayos sa Club Paradise.
Nang maramdaman ko ang paggalaw ni Mikay at pag-alis nito sa pagkakasandal sa akin ay agad kong binuksan ang bag ko para kunin ang bonamine na binili ko. The waves are still no joke, nakakalula ang mga ito para sa kagaya ko na halos panay lupa lang ang nadadaanan kapag nabyahe. Uminom ako ng isang piraso.
"Ayos ka lang?" Mikay asked me.
I nodded. "Medyo liyo lang but normal naman ito."
Tumagal pa nang halos 30 minutes ang byahe namin kaya nang sabihin ng bangkero na padunggo na kami sa Club Paradise ay halos mapatalon ako sa tuwa. Doon ko lang din nagawang huminga nang maluwag dahil pakiramdam ko ay binabaliktad na ng dagat ang sikmura ko. Kung hindi lang din dahil sa inhaler na dala ko ay baka nasuka na ako sa byahe.
"Look who's here! Cha!" Annaisha squealed habang tumatakbo ito papalapit sa akin. Malapad naman ang naging pagngiti ko at saka sinalubong ko ang yakap nito. "Oh my gosh! I can't believe you're here!"
"Me, too. I can't believe na sinuong ko ang nakakahilong byahe na 'yon just for you," pang-aasar ko. I chuckled a bit when I heard her hissed. "I'm so glad to see you, Annaisha."
"Me, too!" she reciprocated. "Hi, Mikay! You look great, too! Mukhang hiyang sa pagiging in love, ah?"
"Stress na stress kamo. Napakagwapo ba naman kasi ng Philip mylabs ko kaya ayon at..."
Hindi ko na nagawang marinig pa nang maayos ang pinag-uusapan nila dahil napatingin na ako kina Caleb at Hiro na mukhang masaya ring makita ang isa't isa. They were laughing at nagbo-bro fist pa.
"How are you, pare? Balita ko, ang laki na ng inilaki ng firm mo, ah? Big time Architect ka na."
"Somehow, I'm fine..."
Napayuko ako nang marinig ko ang mga katagang 'yon mula kay Hiro. He's fine, what did I expect? Sa aming dalawa naman, una pa lang ay alam ko na na ako ang hindi makakaahon. We both have our fair share of lapses when we broke up but he...he made me gave up.
"Hoy! Tulala ka na naman!"
Boses ni Annaisha ang nagbalik sa akin sa reyalidad. I felt a hint of awkwardness nang makita kong lahat sila ay nakatingin sa akin.
"A-Ah, medyo h-hilo pa rin dahil sa byahe," pagsisinungaling ko.
"You should rest," sa hindi ko inaasahan ay sinabi iyon ni Hiro. "Kanina pa lang sa bangka ay hilong-hilo ka na—" I cut him off bago niya pa matapos ang dapat ay sasabihin niya.
I forced a smile. "I'm okay. Kaya ko ang sarili ko so you don't have to worry about me."
Wala ni isang nagsalita sa amin matapos kong bitawan ang mga katagang iyon. Humigpit din ang pagkakahawak ko sa strap ng sling bag na suot ko habang palihim na hinihiling na sana ay hindi nila napansin ang bahid ng pait sa tono ng pananalita ko kay Hiro. Kahit pa gusto ko na siyang diretsuhin na dapat ay magdedmahan na lang kaming dalawa, ayoko pa ring gawin iyon sa harap nina Annaisha. Ayokong sirain ang espesyal na buwan ng mga kaibigan ko kaya sana kaya rin ni Hiro na makiramdam na mabigat pa rin sa akin ang lahat.
"Tara sa may pool, may ipinahanda kami ni Caleb para sa inyo," saad ni Annaisha. Siguro'y upang putulin na rin ang tensyon na namumuo sa pagitan namin ng ex ko. I sighed in defeat when she snaked her arms on mine. Gano'n din ang ginawa ni Mikay sa kabila habang hinahaplos ang braso ko, an act bilang pagpapakalma sa akin.
Nang makarating kami sa may pool ay may banda na naghahanda roon. May lamesa rin na punong-puno ng pagkain at disenyo. Maging ang pool ay nilagyan nila ng mga lobo. Ang ilan sa mga 'yon ay pumutok na, gawa na rin siguro ng init dahil tanghaling tapat pa lang.
"At first, akala namin mas maaga kayong darating kaya inartehan pa namin ang pool, too bad dahil pumutok na ang marami sa mga designs. Hindi namin inexpect na tatanghaliin kayo, eh," ani Annaisha.
"Hindi nga rin namin inexpect na mapupunta pa sa ganitong senaryo, eh," ani Mikay kaya bahagya akong natawa. Halatang-halata kasi na inaasar nito si Annaisha. Hindi man kasi namin naging kaibigan si Mikay noong nag-aaral pa lang kami, malapit na rin ito sa tropa dahil madalas ko siyang kasama noon...pati si Hiro. "Caleb, sure ka na ba na magpapatali ka na kay Anna?"
"Hoy!" Natawa kaming lahat sa reaksyon ni Annaisha. "Siya kaya ang nagpropose sa aming dalawa, 'no! Ako nga ang nagkocontemplate dapat kung sure na ba ako na magpapatali na ako sa kaniya."
Napailing-iling ako nang kabigin siya ni Caleb palayo sa akin at saka idinikit sa kaniya ang magiging asawa. Kung hindi ko lang sila kaibigan, ang sakit nila sa mata.
"Naitali naman na talaga kita, matagal na," ani Caleb at saka ngumisi.
Nanlaki ang mga mata ko nang makuha ko ang pinagsasasabi niya at mas kinumpirma pa ng pamumula ng mukha ni Annaisha ang sinabi ni Caleb.
I rolled my eyes as I let out a groan. "Get a room, guys!"
"Parang gusto ko na lang bumalik ng Manila," ani Mikay. "Mabibitter lang ako rito kasi wala akong partner."
"Wala rin naman akong partner," saad ko. "Hindi natin need ng partner."
"Still single?" Hiro asked out of nowhere.
Dahil nakaharap ako kay Mikay ay mas nauna kong nakita ang pagbilog ng bibig nito dahil sa tanong ni Hiro sa akin. I swallowed the lump in my throat at saka ako tumingin sa gawi ni Hiro.
"How about you? Kumusta kayo ni Thalia?"
Nang hindi ito makasagot ay ngumisi ako kahit pa sumama ang loob ko sa pagbanggit pa lang ng pangalang 'yon. After all, una pa lang ay hindi ko na talaga siya gusto. But just like what they say, fate always play a different game.
"Thalia and I were just...friends."
Muli ay napangisi ako. "You don't kiss your so-called friends, Hiro. You don't break your special someone's heart just because of a...friend."
Tinalikuran ko na ito at naupo na ako sa mga upuang nandoon sa table. I sighed silently dahil sa mga lumabas sa bibig ko. Next time, I hope he won't ask something about me nor give a comment about my personal life so I don't have to go back to what happened between us, so I don't have to go back to my own downfall.