Lethal 2

1333 Words
(PAULO) Tahimik ang lahat ng tumayo si Superior sa harap. Huminga muna ito ng malalim bago tumingin sa amin. “Una sa lahat, masaya naman ako na ligtas kayong nakauwi dito. Alam naman natin na umpisa pa lang ay mahirap na talaga ang misyon na ito at sobrang delikado. Ang mahalaga ngayon ay ligtass kayo at may isa pang nailigtas. Hindi pa man natin siya kilala, pero on going na ang pagkilala sa kanya. Sa ngayon ginagamot pa din siya ng mga doctor. Ang problemahin na lang natin ngayon ay baka may gawin ng masama ang sindikatong iyon sa anak ng Prime Misniter.” Sabi nito at napahawak sa kanyang noo na problemado. “Kailangan na lang muna natin maghintay kung tatawag ba ang sindikatong iyon sa loob ng isang oras kung wala pa rin ay kikilos na ang Team B for suicide rescue operation” sabi nito. Napatango na lang kaming lahat. Iyon naman ang plano, kapag hindi kami nagtagumpay ang isang team ay magsasawaga ng recuse soperation para makuha ang anak ng prime minster. Actutally kasama pa din ako sa team na iyon. Lumipas ang isang’t kalahating oras pero wala din kaming natatanggap na tawag. Labing-limang minuto na din simula ng ma-dispatch ang Team B para sa operation. Sasama sana ako pero pinili na lang ni Superior na huwag na. Lahat kami ay napatingin sa telepono ng nasa harap ni Superior ng tumunog ito. Tumahimik ang lahat ng sagutin ni Superior ang tawg, ito ay naka loud speak kaya naman rinig namin ang lahat. “Ibalik niyo si Kimmy, kapalit ng anak ng Prime Minister!” iyon agad ang bumungad sa amin pagkasagot ni Superior ng tawag. Nagkatinginan kaming lahat. “Binili ko na itong babaeng ito pero ipapalit ko kapalit ng kinuha niyo!” sigaw pa nito. Halatang galit na galit na ang lalaki. Tahimik lang si Superior habang nakikinig sa mga sinasabi ng nasa kabilang linya. Hindi pa namin nakakausap ang babae na pinangalanang Kimmy dahil tulog pa ito. Hindi namin alam kung ano talaga ang nangyari sa kanya at kung bakit siya hawak ng sindikatong iyon. Tumingin sa akin si Superior, marahil ay iisa ang aming iniisip. Hindi pweding pumayag na lang kami basta sa gusto ng Lord na ito. “Bibigyan ko kayo ng forty-eight hours, dalhin niyo si Kimmy sa isesend kong lugar” sabi nito at agad na naputol ang tawag. Mabilis kaming nakipag-cooperate sa private guards’ ng pangulo. Kailangan namin pagplanuhan ang susunod na hakbang ukol sa kung paano namin mababawi ang anak ng prime minister at ng sa gayon ay mailigtas pa din namin ang babaeng nagngangalang Kimmy. Team B was recalled. Nandito na kaming lahat ngayon sa meeting room. We only have forty-eight hours at seven hours na ang nakalipas mula ang tawag. Napatingin kami sa pinto ng may kumatok doon. Nang bumukas ang pinto ay sumilip si Renesmi, isang intern. “Gising na po iyong babae” sabi nito. Agad akong napatayo pati na din si Superior. We need to talk to that girl. Mabilis kaming nagtungo sa kaibilang building kung nasaan ang aming mini hospital. Nagtungo kami sa kwarto kung nasaan ang babae. Nadatnan namin itong nakahiga pero tulala. Hindi man lang ito tumingin sa amin ng pumasok kami. “Hi!” bati ni Superior pero hindi man lang ito natinag. Lumapit pa ako ng bahagya at saka bumati. “Hi, kamusta ang pakiramdaman mo?’ tanong ko. Nagulat kami ng tumingin ito sa akin at bigla na lang kumapit sa kamay ko. Ramdam ko ang panginginig nito. Hinawakan ko ang kamay nito para pakalmahin. “Relax lang, ligtas ka na dito” malumanay na sabi ko. Hindi ko alam pero ramdam ko ang takot, sakit at paghihirap sa kanya, hindi na niya ito kailangang sabihin pa dahil kita naman sa kanya, lalo na ang lungkot sa kanyang mga mata. “Huwag kang mag-alala hindi kami masasamang tao at saka ligtas ka dito” sabi ni Superior pero sa akin lang ito nakatingin. Tumango naman para sabihin totoo ang sinasabi ni Superior. “Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ko. Marahan itong tumango saka bumitaw sa pagkakahawak nito sa akin. Hinawakan nito ang kanyang ulong may benda bago muling natulala. “May mga katanungan lang kami, maari mo bang sagutin?” tanong ko ulit. Hindi ito nagsalita kaya naman nagpatuloy lang ako. “Anong panglan mo?” tanong ko. Hindi man lang ito gumalaw o ano, tahimik lang siya. Akala ko ay hindi na ito sasagot sa amin kaya naman pagpapahinganhin pa muna sana ng bigla itong sumagot. “Kimmy Trellas” mahinang usal nito. Nagkatinginan kami ni Superior dahil tama ang sinabin nitong pangalan sa nabanggit ng Boss ng sindikato iyon. “Iang taong ka na?” “twenty” maikling sagot nito. “Saan ka nakatira?” tanong ko. Hindi na ito sumagot pa at nanahimik na lang. “Bakit ka naroon sa kuta ng malaking sindikatong iyon? Dinukot ka ba?” tanong ko ulit. Umiling lang ito pero kitang-kita ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Hinintay ko lang na sumagot ito pero hikbi lang nito ang namayani sa kwartong kinaroroonan namin. Minabuti na lang namin na huwag muna itong tanungin dahil mukhang hindi pa siya handang sabihin sa amin. Bumalik kami sa meeting room at pinagplanuhan kung ano ang susunod naming hakbang. Susubukan ko na lang ulit tanungin si Kimmy bukas, baka sakaling magsalita na ito. Ang tingin lang namin ay isa siyang bihag doon at klarong sinasaktan. Hindi pa namin alam ang kaugnayan niya sa pinuno ng sindikato pero mukhang mayroon silang ugnayan. Narito sa meeting ang pinuno ng private guard ng president at ang punong sandatahan ng bansang korea para sa anak ng Prime Mnister. “We need to get her now!!” sigaw ng representative ng Prime Minister. “We can’t just do that Mr. Kim, you know that the Boss of that syndicate wants Kimmy and we, we swore to protect people and we can’t just let her return to that place” sabi naman ni Superior. Ang namumuno naman sa private guard ng pangulo ay tahimik lang. Hindi naman kasi kami nagtagumpay sa misyon kaya isinantabi muna namin ang paghahanap sa mga listahan ng kung sinong opisyal ng bansa ang kabilang sa sindikatong iyon. Kailangan muna namin unahin ang problemang may nakatayang buhay. Napahilamos ng mukah si Mr. Kim dahil sa stress, mahirap ang sitawasyn namin ngayon dahil kalaban namin ay oras at ang kagustuhan ng Boss ng sindikato na ipalit si Kimmy sa anak ng Prime Minister. Kung oras lang sana para iligtas ang anak ng Prime Minister ay magagawan siguro namin ng paaran ngunit iba ngayon, may kapalit at hindi kami pwedeng magpadalos- dalos na lang. “Then talk to that girl, we need her to cooperate with us!” sabi nito. Ilang segundong natahimik si Superior mukhang mayn naisip ng plano. Lumait ito sa akin at bumulong. “Sa tingin mo papayag si Kimmy na maging pain? Delikado ito, kahit sabihin nating sisiguraduhin natin ang kaligtasan niya ay hindi pa din natin alam kung anong pweding mangyari.” Sabi nito. Tama si Superior, delikado at hindi namin alam kung anong pweding mangyari. “Kakausapin ko siya Superior” sabi ko at mabilis na tumayo sa aking kinauupuan para magtungo sa kwarto nito sa aming hospital. “Rona, gising ba si Kimmy?” tanong ko ng makarating ako sa may front desk. “Malay ko nakikita ko ba?” pabalang na sagot nito saka umirap na naman. “Grabee ka talaga, nagtatanong naman ako ng maayos eh” sagot ko rito. “Pilosopo” pabulong kong sabi pero sinadyako talagag iparinig sa kanya kaya naman ang sama ng tingin nito sa akin. “Lumayas ka na nga sa harap ko! Tignan mo na lang sa kwarto niya kung gising siya kaysa nagtatanong ka pa!” sabi nito. Maldita talaga. Inismiran ko naman ito bago nagtungo sa kwarto ni Kimmy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD