Kampante lang ako nakaupo habang nakatingin kay General Fuentebella as aking asawa. Nandito ako ngayon sa event kung saan inimbitahan din ako. Hindi alam ni Kurt na nandito din ako. Ang alam lang niya ko nasa probinsyana ako. Panay ang simsim ko ng alak habang sinusundan ang bawat galaw ng asawa ko. Lumiit naman ang mga mata ko na nakatingin kay Kurt na lumapit ito kay Cindy. Selos. Iyan ang nararamdaman ko. May tiwala naman ako sa asawa ko. Pero kay Cindy Sancho, wala! Tumayo muna ako at pumunta sa restroom. Nakatitig lang ako sa aking repleksyon sa salamin. Sa likod ng magandang mukha ko, sino mag-aakala na isa akong killer? Ngayong gabi may tao akong itutumba. Si General Fuentebella. Mapait naman akong ngumiti. Kaya ko ba? Panay naman ang buntonghininga ko. Inayos ko muna ang

