ABALA ako sa pagpupunas ng lamesa nang bigla lamang may yumakap sa aking likuran. "Kurt!" "Dito ka lang pala nagtatrabaho sa restaurant ng kaibigan ko," nakangiting saad niya. Napatingin naman ako sa paligid. Nakatulala naman ang mga kustomer at ang kasamahan kong waitress. Sino ba naman hindi mapapalingon. Sa sobrang tangkad pa lang ng binata, agaw atensyon na ito. "Paano mo nalaman na nandito ako nagtatrabaho?" nakakunot ang noo ko na nakatingin rito. "Sinundan kita. You told me before na nagtatrabaho ka sa restaurant." Nanliit naman ang mga mata ko. Sumenyas ako kay Cielo na lalabas muna ako. Hinila ko si Kurt at lumabas ng restaurant. Pumunta kami sa likod, kung saan nandoon nakatambak ang mga gamit sa pagluluto. "Next time, huwag ka na pumunta dito. Kung may kailangan ka, ju

