PARANG wala ako sa sarili habang nagtatrabaho. Iniisip ko pa rin si Kurt at ang pagtatapat ng pagmamahal niya sa akin. "Okay ka lang ba, Ganda?" tanong ni Reese na kanina pa ito nakatingin sa akin. Napabuntonghininga naman ako. "Na-inlove ka na ba, Reese?" tanong ko sa dalaga. Hindi man masabing kagandahan si Reese pero ang ganda talaga ng mga mata niya. Medyo matangos ng konti ang ilong at makipot ang mga labi. "Hindi pa pero alam kong walang magkakagusto sa akin," aniya na umiwas ito ng tingin. Humarap naman ako sa dalaga. "Why not?" "Eh basta. Huwag na lang natin pag-uusapan ang tungkol sa akin. So, inlove ka ba?" nakangiting tanong niya na sinundot ang aking tagiliran. Napapailing na nakangiti na lang ako sa reaksyon ng dalaga. "I-I think, I'm in love," sabay kagat

