RHENZ "LOUISE?!" "SIRRR….!" Tarantang tumakbo naman ito palapit sa akin. "May board meeting ako mamayang hapon, right?! Bakit hindi pa nakahanda ang mga reports paper?!" "Ehhh..s-sir, andami niyo kaya inutos sa akin. Hindi ko alam kung ano uunahin ko," aniya na nakangibit ito. Napakamot naman ako sa aking ulo. "Dapat inuna mo ang mas importante! Louise naman!" " 'Di ba sir, sabi ko sa'yo, kumuha ka pa ng isang assistant. Or puwede si Sammy, para magkasama kami dito," aniya na nakangiti. "Ayaw niya. Kaya mo naman iyan! Tinaasan ko naman ang sahod mo!" Nakasimangot naman ito. "Hello world!" Boses ni Samara ang umalingawngaw sa opisina ko. Napatingin naman kami sa pinto. Sina Samara, Jenny at Ziena ang dumating. "Hi, kuya kong pogi!" "Sige na Louise, ayusin mo na ang pinapaayos

