DOVE “DOVE?” MAY mga boses akong naririnig sa aking paligid. “Hey, Dove? Open your.eyes.” Gusto ko man buksan ang mga mata ko pero ayaw naman sumunod ang katawan ko. “Hayaan muna natin siya magpahinga lalo. Mas kailangan niya iyan,” rinig ko na boses babae ang nagsalita. Gusto ko ibuka ang bibig ko at humingi ng tubig. Pero hirap na hirap ako. Hanggang kusa na rin tinangay ulit ako ng antok. “Isang malalang aksidente ang nangyari sa gitna ng highway. Halos nayupi ang isang mamahaling sasakyan na bumangga ito sa napakalaking dump truck. Ang sakay ng sasakyan na iyon ay isang military officer na si Lieutenant Mantala.” Kalat na sa news paper, radyo at telebisyon ang nangyaring aksidente. “Hmmmm..” ungol ko naman na namimilipit sa sakit. “Dove?!” boses ng babae. Kahit hirap akon

