ROSS MARAMING babae na dumaan sa buhay ko, pero isang babae lang ang nagpabago sa akin. Kung tutuusin, hindi siya ang tipo kong babae. Mostly ang mga nakarelasyon kong babae ay mga modelo at high-class women. Pero si Laila ibang-iba siya. Isang pulis. Isang TAG KILLER. Isang assassin. Napakahirap suyuin. At pakiramdam ko, hindi ito nagkakagusto man lang sa lalaki kahit anong gandang lalaki pa ito. Dahil sa kanya, tinanggap ko ng tuluyan ang isang napakabigat na obligasyon na binigay sa akin. At iyon ay maging leader sa isang organization na dating pinamunuan ni Tito Caden, kasama ni daddy at mga kaibigan nila. Pero bago ko tinanggap iyon, pumasok ako sa military. Nag-aral ako ng iba’t-ibang physical training. Mismo si daddy ang nagturo sa akin. Dinala ako ni daddy sa underground at ipina

