Chapter 40 Blake's POV May kumatok ng tatlong beses. Bwiset! Nagpapahinga yung tao eh! Alam ba nilang sumakit yung sugat ko dahil sa paglalaro ng soccer? Oh great! Blake Byun, syempre hindi nila alam. Saka ako na rin ang nagpumilit maglaro kaya wala akong karapatang mag-inarte dito Muling naulit ang pagkatok at tatlong beses din. Aba! "Sandali! Nak ng—Hindi makapaghintay? Atat na atat? May lakad?" Naiinis akong bumangon at pinagbuksan ang kung sino mang istorbo ang kumatok Nakakainis! Kung kailan nagpapahinga ang tao saka naman nang istorbo, inilock ko na nga ang kwarto ko para walang mang-istorbo e. Tang'na! "Ang tagal mo namang magbukas! Sumakit ang kamay ko sa pagkatok!" Sumalubong sakin ang panget na mukha ng higante kong kaibigan Leche! Ano nanamang kailangan ng tore na to?

